Questions


October 2022 1 1 Report
PANUTO: Piliin at isulat ang letra ng wastong sagot sa patlang. 22
1. Ano ang nais ipakahulugan ng pahayag na “ngayong pudpod na ang parang, lilipat
sa iba ang baling."
A. Maraming dumadayo sa parang.
B. Walang pumapansin sa kaparangan.
C. Walang nabubuhay na damo sa kaparangan
D. Di na pinapansin ang isang bagay na wala ng pakinabang.
2. Bakit hindi pinatay ni Simoun si Basilio kahit na alam nito ang kanyang lihim?
A. Naaawa siya dahil pareho na silang ulila.
B. May utang na loob siya sa magulang nito.
C. Naaawa siya dahil sa hirap na pinagdaanan nito.
D. Nais niyang maging kakampi ito sa paghihimagsik.
3. Naging marangal ang kanyang puso at nagpamalas ng hindi pagkiling
A Basilio B. Isagani C. Mataas na kawani D. Simoun
4. May masamang kutob na si Juli subalit nagpatuloy pa rin siya sa pagpunta sa
kumbento sapagkat
A. nais niyang makalaya si Basilio
B. nagtiwala siya kay Hermana Bali
C. natatakot siya kay Padre Camorra.
D. naniwala siya na makikinig ang pari.
5. Ano ang nais patunayan ng pagbibitiw ng Mataas na Kawani sa kanyang tungkulin?
A. Di niya kaya ang trabaho.
B. Natakot siya sa Kapitan Heneral.
C. Makahahanap siya ng ibang trabaho.
D. May delikadesa at nananangan sa tunay na katarungan
SCO
-6. SUSON-SUSONG mga kahirapan ang kaniyang dinanas ngunit lahat ng p
angyayaring iyon ay tila nagtulong-tulong upang maigupo ang diwa ng bayani.
Ang kasingkahulugan ng salitang suson ay.
A. bigla-bigla B.maya't maya C. sawang-sawa
D. sunod-sunod
7. Batay sa kaligirang pangkasaysayan ng El Filibusterismo, saan sinimulang
sulatin ni Dr. Jose Rizal ang kaniyang nobela?
A Calamba
B. London at Madrid C. Inglatera
D. Belgium
8. Anong taon sinimulang sulatin ni Dr. Jose Rizal ang nobelang El
Filibusterismo?
A. 1884
B. 1885
C. 1886
D. 1887
9. Ang sumusunod na pahayag ay ang hirap na dinanas ni Rizal habang isinulat ang El
Filibusterismo MALIBAN sa
A. Hindi sapat ang salapi na tinanggap niya mula sa nagtataguyod ng propaganda.
B. Wala na siyang tinatanggap na tulong sa kaniyang magulang at kaibigan.
C. Wala siyang nasisingil sa pinagbilihan ng kaniyang unang nobela.
D. Wala na siyang makain.
10. Kung si Maximo Viola ang naging tagapagligtas ng Noli Me Tangere, sino naman ang
tumulong kay Dr. Rizal upang maipalimbag ang kaniyang ikalawang nobelang El
Filibusterismo?
A Ferdinand Blumentritt
C. Marcelo H. Del Pilar
B. Valentine Ventura
D. Jose Maria Basa

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.