Questions


October 2022 1 2 Report
Panuto: Piliin ang tamang sagot sa bawat tanong.
1. Ano ang tawag sa pamamaraan ng paggawa ng abonong organiko na kung saan ang mga naabubulok na basura ay pinagsasama-sama sa isang hukay sa isang bakuran o bakanteng lote? *
1 point
A. Basket Composting
B. Pit Composting
C. Pot Composting
D. Organic composting
2. Lahat ng mga nabanggit ay nagpapahiwatig ng kahalagahan ng paggawa ng abonong organiko maliban sa_____ *
1 point
A. Dagdag kita para sa pamilya
B. Pinabubuti ang kapasidad na humawak ng tubig ang lupa
C. Maiiwasan ang maaaring pagkalat ng sakit
D. Madadagdagan lalo ang polusyon sa hangin
3. Saang batas nakasaad ang mga alituntunin sa wastong pamamamhala ng basura, pagpapalaganap ng kaalaman sa wastong paggamit ng likas-yaman ng bawat mamamayan upang mabawasan ang basurang itinatapon? *
1 point
A. Republic Act 9003
B. Republic Act 3009
C. Republic Act 309
D. Republic Act 903
4. Ilang metro ang lalim ng isang hukay sa paggawa ng compost pit? *
1 point
A. 4
B. 3
C. 2
D. 1
5. Ilang sentimetro ang kapal ng basura bago ito patungan ng dumi ng hayop? *
1 point
A. 10 sentimetro
B. 20 sentimetro
C. 15 sentimetro
D. 25 sentimetro
6. Kailan dapat dinidiligan ang compost pit upang mamasa-masa ang hukay? *
1 point
A. araw-araw
B. 1 beses sa isang linggo
C. 3 beses sa isang buwan
D. 10 beses sa isang taon
7. Ano ang tawag sa isang matipid na pamamaraan ng paggawa ng abono na ginagamitan ng mga nabubulok na basura, dumi ng hayop at iba pa. *
1 point
A. harvesting
B. mulching
C. composting
D. planting
8. Anong tawag sa uri ng pataba mula sa mga natutuyong damo o dahon, balat ng prutas at mga umi ng hayop na pinabubulok sa isang hukay. *
1 point
A. Komersyal na abono
B. compost
C. Urea
D. articifiacl fertilizer
9. Ano ang pangunahing layunin ng Ecological Solid Waste Management Act of 2000? *
1 point
A. Wastong pamamahala ng basura
B. Wastong paggamit ng likas na yaman
C. Wastong paghihiwa-hiwalay ng mga basura at proseso ng mga ito
D. Lahat ng nabanggit
10. Anong uri ng kasuotan ang isinusuot sa kamay upang magsilbing proteksyon sa anumang dumi? *
1 point
A. Bota
B. Sapatos
C. Guwantes
D. Sumbrero
TAMA o MALI
11. Gumamit ng mga kasangkapan na nasa maayos na kondisyon *
1 point
TAMA
MALI
12. Upang mapabilis ang pagbulok ng mga basura kailangan haluaan ng isa hanggang dalawang kilo na urea *
1 point
TAMA
MALI
13. Sunugin na lamang ang mga tuyong dahon sa bakuran at huwag nang gawing organikong pataba *
1 point
TAMA
MALI
14. Nakatutulong sa pamilya ang paggawa ng abonong organiko sa pamamagitan ng pagkakaroon ng sapat na pagkain at dagdag kita *
1 point
TAMA
MALI
15. Sa basket composting ay pinabubulok ang basura sa isang hukay. *
1 point
TAMA
MALI
16. Idagdag din ang dinurog na bubog sa ginagawang abonong organiko *
1 point
TAMA
MALI
17. Tiyaking angkop ang kasangkapan sa gawaing paggagamitan upang makaiwas sa anumang aksidente. *
1 point
TAMA
MALI
18. Makipagkwentuhan at lumingon-lingon habang gumagawa ng abonong organiko. *
1 point
TAMA
MALI
19. Magiging maayos ligtas at kasiya -siya ang paggawa ng compost kung susundin ang mga panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan. *
1 point
TAMA
MALI
20. Ilagay sa isang sulok lahat nang mga kasangkapang ginamit at hayaang nakakalat ang mga ito. *
1 point
TAMA
MALI
21. Hawakan ang mga kasangkapan sa paggawa ng abonong organiko nang maayos at may ingat. *
1 point
TAMA
MALI
Sagutang ang mga sumusunod na katanungan.
22. Anong BC ang pamamaraang ng paggawa ng abonong organiko na ginagamitan ng isang sisidlan?
1 point
23. Anong C ang tawag sa abonong organiko?
1 point
24. Anong CP ang tawag sa paggawa ng abonong organiko sa hukay?
1 point
25. Anong O ang uri ng hanging ating nalalanghap na galing sa mga punong-kahoy at mga halaman?​​​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.