Questions


August 2022 1 2 Report
PANUTO: Lagyan ng bilang 1 hanggang 10 ang patlang bago ang bilang upang mapagsunod-sunod ang mga pangyayari sa akda. Isulat ang sagot sa isang malinis na papel.
1. Bago nagawang dumapo ng isang ibong nabighani sa kakinangan ng kahoy ay nabuwal ang puno ng ginto.
2. Dinumog ng mga tao ang puno ng ginto at ito ay kanilang tinag
tinapyas at pinagbali-bali.
3. Nag-alay ng karne ng baboy, mga awit, sayaw,malalakas na tugtog at
panalangin ang mga katutubo para sa kanilang anito.
4. Nagpahanda ng tap-pey at fayas si Lifu-o sa kanyang dalagang anak
na si Sabsafung para sa pagdiriwang.
5. Nagpalagay ng taklob na kawa ang matandang kuba at nagbilin ito sa
mga katutubo hinggil sa mangyayari pagkalipas ng tatlong araw.
6. Nagpasyang magdaos ng cañao si Lifu-o sa kanyang tahanan matapos
makakita ng isang uwak sa gitna ng daan.
7. Nagsalita ang matandang kuba at nagsabing dininig ni Kabunian at
bibiyayaan ng mga anito ang pagdiriwang ng cañao ng mga katutubo.
8. Nang tuluyang bumagsak ang puno ay para itong aninong pinawi ng
makinang na liwanag ng araw.
9. Narinig ni Lifu-o ang isang bulong o hanging nagsasabing bago sila
makakuha ng ginto ay huhukayin muna nila ito.
10. Unti-unting nagkalamat ang kawa pagdating ng takdang araw at ito
ay naging puno ng ginto.



BUOD NG ISANG MATANDANG KUBA SA GABI NG CANAO

Ang kwentong ito ay nagsimula sa isang matanda na dumating sa ritwal ng Cañao o Kanyaw. Isa siyang kubang papilay-pilay at naupo sa lusong. Hindi siya gaanong pinansin kung hindi siya nadagil ng mga katutubong nagkakatuwaan sa paghabol sa iaalay sa kanilang ritwal. Ang iaalay na baboy ay ang natatanging piging upang mag-alay sa bathala nilang Kabunian.

Sa pagtungo sa kaingin ng isang lalaking si Lifu-o, nakakita siya ng uwak sa gitna ng daan na isang masamang tanda. Ipinasya niyang magdaos ng ritwal.

Ang mga kabataang katutubo ay humahabol sa mga baboy na iaalay sa kanilang bathala. Sa kanilang paghabol ay napadako sila sa lusong na nandoon ang matandang kuba. Natumba ang matanda. Napansin ni Lifu-o at dinulitan ang matanda.

Nagsalita ang matanda sa isang makapangyarihang tinig. Tumigil ang Cañao.

“Ang idinaraos nyong Cañao ay bibiyayaan ng mga anito. Narinig na iyan ni Kabunigan. Ibig kong maghandog sa inyo ng aking alaala.” sabi ng matanda.

Sa malamig na tinig ay nagtugon siya na taklubin siya ng isang malaking kawa at ipatuloy nila ang Cañao at huwag gagalawin ang pagkataob sa kanya.

Dahan-dahang itinaklob ni Lifu-o ang matanda sa kawa. Sa silangan, ang liwanag ay pumupusyaw at ang puno ng pino ay nakahugis na.

Ang kawa iy itinaas. Lumapit ang apat na matitipunong katutubo sa kawa ngunit may napasin silang umuusbong na isang kakaibang halaman.

Sila ay nangangayupa, nananalangin, at nag-aawitan sa saliw ng gangsa ng palakas. Ang mga lalaki’t babae, bata’t matanda ay nagsisiindak dahil ang umusbong ay isang gintong halaman.

Ang halamang ginto ay pataas na ng pataas at palago na nang palago na nagiging puno na ito. Ang mga katutubo ay pumunta sa puno upang pitasin lahat ng ginto.

Nag-aagawan sila at nagtutulakan habang pinitas ang puno hanggang naubos na ang lahat ng ginto. Nabuwal ang puno at bumagsak. Napaisip ni Lifu-o ang matandang kuba na dumating sa Cañao. Ang kubang nakaupo sa nakatumbang lusong.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.