Questions


October 2022 1 11 Report
Panuto: Isulat sa papel ang titik ng tamang sagot.


1. Ang tinig ni Manuel ay (bahaw) na kaya’t nagugulat ang kausap niya sa pagpapaliwang.

a. Sumisigaw si Manuel sa pakikipag-usap

b. Bumubulong si Manuel sa kausap

c. Nawawalan na ng tinig si Manuel sa pagsasalita

d. Mababa ang tono ni Manuel sa kanyang pagsasalita.


2. Si Jimmy ang (umuntag) sa ipinangako sa kanya ni Mary Ann kaya’t mabilis na kumilos ang babae.

a. Nakalimutan ni Jimmy ang kanyang panagko kay Mary Ann kaya’t binanggit niya ito.

b. Paulit-ulit na pinagsabihan ni Jimmy si Mary Ann tungkol sa pangako nito.

c. Ibinulong ni Jimmy ang pangako niya kay Mary Ann

d. Sinasabi ni Jimmy na nakalimutan na ni Mary Ann ang pangako nito sa kanya.


3. (Pumulas) nang takbo si Audrey pagkakita kay Kurt.

a. Binagalan ni Audrey ang pagtakbo nang Makita si Kurt.

b. Huminto sa pagtakbo si Audrey upang kausapin si David.

c. Biglang tumakbo si Audrey upang umiwas kay Kurt.

d. Hindi makatakbo si Audrey nang Makita si Kurt.


4. (Napahindik) si Beatriz sa nakita, kaya’t siya’y natulala.

a. natuwa si Beatriz c. natakot si Beatriz

b. nalungkot si Beatriz d. nagalit si Beatriz


5. (Nagpatumpik-tumpik) pa si Covie sa inaalok sa kanya ni Ruby, kaya’t nagbago ng isip ang babae.

a. Nakasimangot si Covie nang tanggapin ang inaalok ni Ruby.

b. Hindi malaman ni Covie kung tatanggapin niya o hindi ang alok ni Ruby.

c. Nakatawa si Covie nang tanggapin ang inaalok ni Ruby.

d. Tinanggihan ni covie ang alok ni Ruby.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.