Panuto: Isulat sa papel ang salitang ginamit sa panimula, gitna at pagwawakas na nakapaloob sa kuwento.
Sa simula pa lamang naguguluhan na ang batang si Jen sa nangyayari sa bahay. Kapag ito naman ay uuwi halos hindi siya nito malapitan ni hawakan. kanyang pamilya. Ang kanyang ina na isang nars ay palaging wala sa kanilang niyang tanungin ang kanyang ama kung bakit ganoon ang nangyayari ngunit abala Didiretso na agad sa paliligo pagkatapos ay magpapahinga na. Ang kanyang ama naman ay palagi na sa kanilang bahay na dati naman ay nagtatrabaho. Sinubukan ito sa pag-aasikaso sa mga gawaing bahay. Sumunod ay nilapitan niya ang kanyang ina na kauuwi pa lang sa trabaho, binilinan lang siya nito na lumayo muna dahil hindi pa siya naliligo.
Kinabukasan, habang abala ang kanyang ama sa paglilinis ng bahay, naisip ni Jen na bumili ng biskwit at inumin sa tindahan. Bubuksan pa lamang ni Jen ang pinto, biglang pinigil siya ng kanyang ama. Saka ipinaliwanag ng ama ni Jen na iba na ang sitwasyon nila at may kumakalat na sakit. Kailangang magsuot ng facemask kapag lalabas ng bahay at palagiang maghugas ng kamay upang makaiwas sa nakahahawang sakit.
Sa huli, naunawaan ni Jen kung bakit ganoon na lamang ang pag-iwas ng kanyang ina na nars sa tuwing uuwi ng bahay. Kaya tuwing dumarating ang ina, inaantay niya muna itong makaligo. Bago matulog si Jen niyakap niya ang ina at sinabihang mag-iingat sa kaniyang trabaho. Natuwa ang ina at humingi ng pasensya sa anak sa pagiging abala niya sa trabaho.
Answers & Comments
Answer:
ang panimula nga kwento ay patungkol sa batang si Jen na nagugulohan Kung bakit palaging ginagawa ng kanayang Ina mag disinfect kapa ito ay uuwi na sa kanilang Bahay, ang gitna Naman ng kwentong ito ay tungkol Naman sa tatay ni Jen pinagsasabihan sya na kapag lalabas sa Bahay paling mag suot ng facemask at palaging mag hugas ng kamay upang maiwasan ang lumalaganap na sakit, ang lahat ng sinabi ng kanyang ama ay unti unti niyang naiintindihan
Explanation:
Ang kwentong ito ay patungkol sa sakit na lumalaganap na Dapat Tayo ay maging alerto at palaging sumod sa protocol sa ating lipunan upang maiwasan natin ang pagkakaroon ng sakit