Questions


August 2022 1 2 Report
Panuto: isulat ang paksang diwa sa binasang maikling kwento.
Nang mabatid ng magulang ni Edgar ang kanyang naging masamang gawain
minabuti ng mga ito na siya'y bigyan ng babala at ng isa pang pagkakataon upang
makapag-aral. Ngunit sa kabila ng paghihigpit ng dalawang matanda ay patuloy na nalulong
sa bisyo si Edgar. Tuluyan na siyang napahinto sa pag-aaral. Sa kabilang dako, si Roger, ang
kanyang nakababatang kapatid ay maluwalhating nakatapos ng kolehiyo at naging isang
Civil Engineer.
Sumapit ang panahong nakaisip nang lumagay sa tahimik si Edgar. Siya ay nakapag-asawa
nang hindi pa gayak sapagkat wala pa siyang matatag na hanapbuhay. Sa kanyang
kalagayan hindi man lamang nakatapos ng mataas na paaralan at wala siyang makitang
trabahong mapagkakakitaan na sasapat sa pangangailangan ng kanyang asawa at tatlong
anak. Si Roger ay matagumpay namang nakatanggap ng kontrata. Bagamat mayroon na
siyang matatag na hanapbuhay ay hindi pa rin niya inisip na mag-asawa sapagkat
pinaghahandaan muna niya itong mabuti. Para sa kanya, ang pag-aasawa ay isang
responsibilidad at kailangang maging handang handa muna siya bago ito suungin.
Sa ngayon ay sising alipin ang nangyari kay Edgar. Sa tuwing tutungo siya sa
kanyang magulang upang humingi ng tulong ay para pang sinisisi niya ang mga ito dahilan
sa hindi niya pagtatapos. Ngunit sa kaibuturan ng kanyang puso, naroro ang pagtitika at
pag-amin sa katotohanang" walang naunang pagsisisi".
10. Paksang diwa:​__________________________________________

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.