Ang pagiging malikhain ay isa sa mga katangian ni Mira. Mahilig siyang gumawa ng mga palamuti at mga iba't ibang disenyo. naisip niya na gumawa ng isang pulseras mula sa mga lumang butones na nakita niya sa kanilang bahay.. Marami ang pumuri sa pulseras ni Mira. Ang iba ay nagtanong pa kung saan niya ito binili. suot na
Dahil sa marami ang nagandahan ay sinubukan ni Mira na gumawa ng maraming pulseras upang ibenta. Gumawa siya ng sampung pulseras bilang pagsisimula ng kaniyang naisip na pagkakakitaan. Sa kaniyang tuwa ay naibenta niyang lahat ang mga ito sa kaniyang mga kaibigan.
Isang buwan na mula nang pasimulan ni Mira ang kaniyang munting pinagkakakitaan nang kausapin siya ng kaniyang pinsan. Hinikayat siya nitong gumawa ng mas marami pang pulseras upang isama sa mga produkto ng online selling na pinamamahalaan nito. Hindi nagtagal, malaki na ang kinikita niya sa munting negosyong sinimulan niya. Hindi niya inakala na sa simpleng pulseras na kaniyang nilikha ay magkakaroon siya ng pagkakakitaan kahit na nasa murang edad pa lamang siya.
Answers & Comments

#CarryonLearning