Questions


October 2022 1 0 Report
Panuto: Isaayos sa tamang daloy ang talumpati sa baba, mula sa panimula hanggang sa wakas.
Numero o bilang lamang isulat mula 1-5.
__21. Alam nyo ba ang kawikaang “Kung ano ang iyong itinanim, iyon rin ang iyong aanihin”? Halimbawa
nito ay ang walang habas na pagtatapon ng basura sa ating mga kanal at ilog, tiyak baha ang ating
makukuha o kapalit. Kung mapapansin natin sa mga nagdaang araw, buwan at taon, ang mga kalamidad
na nangyayari dito sa bansa at maging sa buong mundo ay patuloy sa pagiging malupit at mapaminsalang
kalikasan sa ngayon. Bakit nga ba nangyayari ito? May kontribusyon ba dito ang mga tao? O sangkot na
rin dito ang sistema ng lipunan?
___22.. Bawat isa ay makatutulong sa muling pagbuhay ng nagbubuntong hininga nating kalikasan.
Ginawa ng Panginoon na maganda at kapakipakinabang ang paligid para sa ating kaginhawaan ngunit sino
ang ating dapat sisihin sa pagkawasak nito?
___23. Tayo ang sumira kaya’t sa atin din nakasalalay ang pag-asa, ang pag-asa na makakaranas ang mga
susunod na heneresyon ng mundong hindi balot ng kalamidad at polusyon. Sana, sa huli, masasabi ng
ating Panginoon na tunay nga nating inalagaan ang kayamanan na kanyang inihandog sa atin- ang
kalikasan. Sa puntong ito, gusto ko kayo ang maka isip o bumatay kung ang Nagbabagang Klima ay mag
babago pa.
___ 24. Kung ating ibabase sa kasalukuyan, ang mga masasamang nangyayari ay dulot ng polusyon o di
kaya’y ang kulang na atensyon at pag-aalaga sa ating kapaligiran. Gaya ng usok na nang galing sa mga
malalaking pabrika at mga sasakyan ang siyang unti-unting pumapatay sa ating Inang Kalikasan. Dagdag
mo pa rito ang walang habas na pagtapon ng mga plastik at mga basura sa paligid lalo na sa ating mga ilog
at iba pang anyong tubig. Ang mga nangyayari ngayon ay isa patunay sa kasabihang “lahat ng sobra ay
nakasasama na.” Nagbabago na talaga ang panahon. Ke utak ng tao, klima at pati na rin ang kapaligiran
mo.
___25. Pero may magagawa pa ba tayo para maagapan ang ating nag babagang klima? Meron pa. Bawat
isa ay makatutulong sa muling pagbuhay ng nagbubuntong hininga nating kalikasan. Ulitin ang paggamit
ng mga bagay-bagay o pakinabangan ang mga gamit na basura . Sa madaling salita sa Ingles ay “to reduce,
reuse at recycle.” Itapon natin ang ating basura sa tama nilang kinalalagyan. Simple lang, hindi ba? Dapat
patuloy tayong makibaka upang tiyaking ang mga susunod na henerasyon ay may maayos na mundo pang
magigisnan. Kahit sa maliit nating pamamaraan ay makatulong tayo.

Nonsense report ko agad

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.