PANUTO: Ipaliwanag kung paano mo nirerespeto ang opinyon ng iba sa mga
sumusunod na sitwasyon.
1. Nagpapaliwanag ang iyong kaklase ng sagot niya sa inyong guro.
2. Nais ng iyong kaibigan na magbigay ng kaniyang saloobin sa ginawa mong
pagkakamali dahil nangopya ka sa pagsusulit.
3. Alam mong gusto ni Mia na magsalita sa harap ng klase para ibigayang
kaniyang mga opinyon ngunit siya ay natatakot na baka hindi siya pakinggan.
4. Isa-isang magsasalita ang bawat miyembro ng grupo para sa ikagaganda ng
proyekto ninyo.
5. Nasira ng kapatid mo ang iyong paboritong damit. Nais niyang magpaliwanag sa
iyo kung bakit.
••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
pag to na answer nio na tama bigyan ko kau 100 pts +brainliest
Answers & Comments
Answer:
1.Makikinig sa paliwanag ng kaklase ng may katahimikan at pagunawa.
2. Hahayaan ko siyang ipahayag ang kaniyang saloobin at damdamin, at kung sinabi at ipinaliwanag niya na ako ay may pagkakamali ay pakikinggan ito at uunawain ang pagkakamaling ginawa ko, gayon din ay haharapin at tatanggapin ko ang kaparusahan para sa pagkakamaling aking ginawa.
3. Palalakasin ko ang loob niya na ipahayag ang kaniyang sariling opinyon.
4. Makikinig sa pahayag ng bawat isa, at magsasaad ng ilang opinyon sa bawat isa, at kung habang ako na ang nagpapahayag at may opinyon silang sinabi ay pakikinggan ito gaya ng pakikinig nila sa opinyon ko,at ikukonsidera ang ilan sa mga ito.
5. Pakikinggan ang paliwanag ng kapatid, pananatilihing kalmado ang sarili upang maiwasan ang tensiyon sa pagitan ng dalawa, at kung tapos na siyang magpaliwanag ay pagsasabihan ito na mag-ingat sa susunod.