PANUTO: Ipahayag ang sariling pagsang-ayon o pagsalungat sa sumusunod na mga paniniwala.
1.Nasa sarili ang pag-unlad ng tao
2.Kapag may tiyaga, kahit hindi ka mag-aral ay aasenso ka
3.Ang edukasyon ang yaman na maaring maipamana ng mga magulang.
4.Magulang ang higit na nakakikilala sa anak
Answers & Comments
Answer:
1. Sang-ayon ako dito. Tayo lang talaga ang makapagpapaunlad sa ating buhay walang iba. Kaya sa lahat ng ating gagawin, pag-isipan natin itong mabuti kung nakakabuti ba ito at nakakatulong sa ating pag-unlad o makakasama at makakahadlang sa ating magandang kinabukasan.
2. Sang-ayon ako. Hindi lahat ng tao na nakapagtapos ng kanilang pag-aaral ay umasenso ang buhay. Ito ay nakapende sa tiyaga at abilidad ng tao at kung marunong siyang dumeskarte sa buhay.
3. Sang-ayon ako. Ito ang nag-iisang pamana sa atin ng ating mga magulang. lalong lalo na sa mga magulang na kapos sa pera. Dahil para sa kanila, kapag mapagtapos nila sa pag-aaral ang kanilang mga anak ay magkakaroon ito ng magandang kinabukasan. at para sa kanila, ang edukasyon ang pamana na hinding hindi makukuha ng ibang tao sa atin.
4. Tama. lalung lalo na ang mga ina na siyang nagluwal sa atin. Sila ang mas nakakaalam sa atin dahil naggaling tayo sa kanilang loob.