Panuto: Ilahad ang iyong sariling kaisipan, opinyon at saloobin sa talata na hinango sa binasang maikling kwento.
kwento: Sa sandaling iyon ay tila hawak ni Danding sa palad ang lihim ng tinatawag na pag-ibig sa lupang tinubuan. Nauunawaan niya kung bakit ang pagkakatapon sa ibang bansa ay napakabigat na parusa, at kung bakit ang mga nawawalay na anak ay sumasalunga sa bagyo at baha makauwi lamang sa Inang Bayan. Kung bakit walang atubiling naghain ng dugo sina rizal at Bonifacio
Answers & Comments
Answer:
Mahirap na mawalay sa ating bansang kinalakihan, ang ating Inang bayan. Ang pakikipagsapalaran sa ibang bansa ay napakabigat na parusa. Maraming mga pagsubok at problema ang kahaharapin, maraming ibang lahi ang makakita sa iyo at magmamasid. Wala kang kalayaang gawin ang ano mang iyong ibig. Malalayo ka sa iyong mga mahal sa buhay at sa iyong bansang kinalakihan na siyang humubog ng iyong pagkatao. Mahirap magsakripisyo ngunit kung para ito sa inang bayan, hahamakin ang lahat. Kagaya ni Bonifacio at ni Rizal na inihain ang kanilang buhay para sa inang bayan.
Explanation:
Ayan na po sana maka tulong!!