Questions


October 2022 1 1 Report
Panuto: ibigay ang paksa ng napakinggang teksto.
1. Ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon ay isang saligan upang
mabago ang takbo ng isang lipunan tungo sa pagkakaroon ng isang masaganang
ekonomiya. Ang edukasyon ang nagiging daan tungo sa isang matagumpay na
hinaharap ng isang bansa.
Paksa:________________
2. Maraming dahilan ang makapagtutulak sa iyo sa isang konklusyon na, "kailangan
kong baguhin ang aking buhay". Ang isa sa mga dahilan na magtutulak sa atin na
magbago ay ang ating trabaho. Kadalasan, nararamdaman natin na tayo ay
nahihirapan sa ating mga gawain at trabaho.
Paksa:___________
3. SA kabila ng krisis sa kabuhayan at ng sinapit na trahedya ng ating mga kababayar
ang lindol sa Bohol at ang bagyo sa Samar at Leyte, ang Pasko'y sasapit at
ipagdiriwang pa rin nating mga Pilipino at lahat ng mga Kristiyanong Katolikong
Pilipino sa buong daigdig.Iba't ibang paraan ang pagdiriwang at paggunita sa
pagsilang ng Dakilang Mananakop. Ang tuwa at kasiyahan ay ayon sa kalagayan sa
buhay. Sa mga marangya, simple at mahirap na pagdiriwang. Magsisimba ang baw
pamilya. Masagana ang mga hapag, puno ng mamahaling prutas at mga matamis
ang mga hapag-kainan. Masayang pagsasaluhan ng pamilya sa Noche Buena.
Paksa:_______________
4. Ang kalikasan ay isang biyayang galing sa ating Panginoon. Dito nanggagaling lah
ng bagay na ating ikanabubuhay. Ito ay maganda at kapakipakinabang. Mula sa
pagkain, tirahan, gamot at marami pang iba. Dito rin nanggagaling ang ating
kaalaman na dahil sa kuryosidad sa napakahiwagang nilikha ng Diyos, nasusubok
natin ang hangganan ng ating kaalaman.
Paksa:_____________
5. Dito sa ating bansa, napakataas ng ating biodiversity. Marami tayong mga hotspo
na tinatawag na mapapakinabangan natin para lumago at lumawak ang turismo sa
ating bansa. Mayaman din tayo sa likas na yaman. Ang ilang sa mga ito ay hindi
natin alam kung paano gagamitin at ang ilan ay di pa natin natutulakasan.
Paksa:_________________
paki sagot po plsss ​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.