Panuto: Hanapin sa loob ng pangungusap ang salita na kasingkahulugan ng mga
salitang nasa panaklong. Sagutan ito sa iyong sagutang papel.
1. Hindi nakinig ang ina sa (pagsusumamo) ng kanyang anak na labis ang
pagmamakaawa.
2. (Nagpupuyos) at galit na galit ang hari dahil sa ginawa ng kanyang anak.
3. (Napagtanto) ng lahat na mabuti palang tao ang kanilang bagong lider kaya,
nalaman nila na magiging mabuting pinuno ito.
4. Ang malupit na ama ay (nasawi) nang lumindol kaya nakahulagpos sa kalupitan
ang mga anak ng siya ay namatay.
5. Ang (panangis) ng dalaga ay hindi man lang pinakinggan ng ama hanggang sa
patuloy pa rin ang pag-iyak nito.
Answers & Comments
Answer:
1. pagsusumamo-pagmamakaawa
2. nagpupuyos-galit na galit
3. napagtanto-nalaman
4. nasawi-namatay
5. panangis-pag-iyak
Explanation:
#Hope it's help