Panuto: Hanapin ang pangatnig na ginagamit sa pangungusap.
Isulat ang mga ito sa inyong sagutang papel.
1.Siya at ako ay walang pinagkaiba.
2.Sasama lang ako sa iyo kapag hindi na umuulan.
3.Kung sino pa ang mabait siya pa ang umalis.
4.Makakasama lang ako kung aalis tayo agad dito.
5.Hindi ka pala nag-aaral kaya mababa ang markang nakuha mo sa pasulit.
6.Naiwan ka kasi ang bagal mong maglakad.
7.Naghintay ako sa parke ngunit hindi ka dumating.
8.Kumain ka ng masustansyang pagkain para lumusog ka.
9.Marami ang may nais na manalo subalit isa lang ang tinanghal na wagi.
10.Wala na siya nang dumating ako sa plasa.
Answers & Comments
Answer:
1. at
2. kapag
3. Kung
4. kung
5. kaya
6. kasi
7. ngunit
8. para
9. subalit
10. nang
nagpasalamat ka sa buddy ko
sya nagsabi na sagotan ko to (ー_ー゛)