Panuto: Gumawa ng isang tula na may malayang taludturan at binubuo ng apat
na saknong tungkol sa iyong minamahal, maaaring tungkol sa iyong mga
magulang, pamilya, kaibigan o kasintahan. Ilagay ito sa isang short coupon bond.
Maaaring ito ay sulat-kamay o printed.
Panuto: Gumawa rin ng isang pormal na sanaysay tungkol sa mga napapanahong
pangyayari na nagaganap sa ating bansa ngayon. Siguraduhin na ang pagsulat ng
sanaysay ay mayroong simula, gitna o katawan at wakas. Ilagay ito sa isang short
coupon bond. Maaaring ito ay sulat-kamay o printed.
Answers & Comments
Answer:
Noo’y isang hapon! Ikaw’y nakadungaw
At waring inip na sa lagay ng araw,
Ang ayos mo noon ay nakalarawan
Sa puso kong itong tigib kalumbayan.
Anomang gawin ko’y hindi na mapawi
Ang naging anyo mong pagkayumi-yumi,
Itong aking pusong nagdadalamhati’y
Tinuruan mo pang umibig na tangi!
Kung nang unang dako’y hindi ko nasabi
Sa iyo ang aking tunay na pagkasi
Ay pagka’t ang aking puso ay napipi
Sa harap ng dikít na kawiliwili.
Sa ngayo’y narito at iyong busabos
Ang aking panulat at aking pag-irog;
Ang aking panitik: walang pagkapagod,
Ang aking pag-ibig: walang pagkatapos.