Sa tuwing maaanyayahan akong magsalita tungkol sa pagsulat ng tula, mahalagang itinatanong ko sa mga nakakaharap ko kung ano o sino na ang kanilang nabasa. Dahil tulad ng alinmang larang o disiplina, kailangan sa pagtula ang sapat na kaalaman at kasanayan sa teorya at praktika nito. Tulad ng isang manlilikha o kompositor ng awit na nagkagiliw o naaliw muna sa pakikinig sa maraming awit na likha ng iba, tiyak na naakit o natuwa muna sa tula ng kung sinong makata ang isang nagsusulat ng tula. Napakahirap isipin na basta na lamang nagigising na isang makata o naghahangad nang tumula ang sinuman. Nakasalalay, kung gayon, sa husay at sigasig ng guro sa panitikan ang pagkalinang ng interes sa pagtula ng mga mag-aaral. Sa konteksto ng modernong pamumuhay, sa mga klase sa literatura unang nagkakaroon ang mga bata ng pormal na pag-aaral ng tula. Aspektong panganyo o teknikal ng tula ang tinutukoy ko sa paggamit ng salitang pormal, hindi simpleng sitwasyon o paraan ng pag-aaral. Sa higit na mababang antas, dapat lamang asahan na unang natutuon ang pansin ng pagaaral ng tula, at ng anumang anyo ng panitikan sa pangkalahatan, sa moral lesson.
Answers & Comments
Explanation:
Akoy nagagalak sa ating lipunan na kahit
may pandemyang kumakalat
silay nag tutulungan
kaya dapat tayung mag tulungan
para ma iwasan ang Covid 19
sa ating bayan
Answer: