Panuto: Gumawa ng isang dayalogo na nagpapakita ng iyong natutunan sa paksa. Kopyahin ang pormat sa ibaba sa iyong sagutang papel.

TEKNIK SA AT PAGPAPALAWAK NG PAKSA
Ang isang talata ay isang serye ng mga pangungusap na nakaayos at magkakaugnay, at lahat ay may kaugnayan sa isang paksa Ang talata ay nagpapakita sa isang mambabasa kung saan nagsisimula at nagtatapos ang mga subdibisyon ng isang sanaysay, al sa gayon ay matulungan ang mambabasa na makita ang samahan ng sanaysay at maunawaan ang mga pangunahing punto nito. Ang bawat talata ay may istraktura. Ito ay hindi isang random na koleksyon ng mga pangungusap. Ang mga bahagi na bumubuo sa teksto ay may kaugnayan sa bawat isa. Layunin ng isang talata ang makapaghatid ng isang ganap na kaisipan sa tulong ng mga pangungusap na magkakaugnay. Upang maging mabisa ang isang talata, ito ay dapat na may isang paksang diwa, buong diwa, may kaisahan, maayos ang pagkakalahad, at may tamang pagkakaugnay at pagkakasunod-sunod ng mga kaisipan. May iba't ibang uri ng talata ayon sa kinalalagyan sa komposisyon.
1. Panimula- ito ang nasa unahan ng isang komposisyon. Dito nakasaad ang paksa na na nais talakayin ng manunulat at kung ano ang kanyang ipinaliwanag. Isinasalaysay, Inilalarawan o binibigyang-katwiran.
2. Gitnang Tala o Talatang Ganap- Ito naman ang nasa gitnang bahagi ng isang komposisyon. Ito ay may tungkuling paunlarin o palawakin ang pangunahing paksa. Binubuo ito ng mga sumusuportang ideya upang ganap na matalakay ang paksang nals bigyang linaw ng manunulat
3. Wakas o Talatang Pabuod- Ito naman ang kadalasang pangwakas ng isang komposisyon. Dito nakasaad ang mahahalagang kaisipang nabanggit sa gitnang talata. Minsan ginagamit ito upang bigyang-linaw ang kabuoan ng komposisyon. Sa pagsulat ng talata, mahalaga ring bigyan-pansin ang pagpapalawak ng paksa upang higit na maging mabisa at maliwanag ang pagsusulat o paglalahad. May iba't ibang paraan a Teknik ang ginagamit sa pagpapalawak ng paksa, ilan sa mga ito ang sumusunod:
1. Pagbibigay-katuturan o Depinisyon- may mga salitang hindi kaagad maintindihan kaya't kallangang bigyang depinisyon. Maraming kaisipan na malawak kung iisipin kaya't kinakailangang higit na masaklaw ang pagpapaliwanag dito. Ang mga malawak na kaisipang ito ay dapat binibigyang diin sa pagbibigay depinisyon (ang kaantasan, kaurian, at kaibahan ng mga salitang ito) upang hindi magkamali sa paggamit nito.
2. Paghahawig at Pagtatambis- may mga bagay na magkapareho o nasa sa iisang kategorya. May mga bagay rin namang magkaiba, Samakatuwid, ang mga bagay na magkakatulad ay pinaghahambing upang mapalitaw ang kanilang mga tiyak na katangian, samantalang ang mga magkakaiba ay pinagtatambis naman upang maibukod ang isa sa isa.
3. Pagsusuri- ito ang nagpapaliwanag hindi lamang ng mga bahagi ng kabuuan ng isang bagay kundi pati na rin ang kaugnayan ng mga bahaging ito sa isa't isa. Dahil sa pagsusuri mas madaling maunawaan ang kalikasan ng isang bagay. Halimbawa nito ang konsepto ng isang akdang pampanitikan. Dito dapat talakayin ang kaugnayan ng mga bahagi ng akdang pampanitikan tulad ng tauhan, tagpuan, banghay, at layunin ang pagkakasulat nito.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.