Questions


November 2021 1 13 Report
PANUTO: Gawan ng lagom o buid ang ulat na may 3-5 pangungusap batay sa rubric sa ibaba.


Buwan ng Wika
ni Clarissa V. Sayon

Ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika tuwing Agosto bawat taon. Ngayong 2019,
ang paksa ng Buwan ng Wika ay "Wikang Katutubo: Tungo Sa Isang Bansang
Filipino.

Ika-2 ng Agosto, 2019 nang ipinagdiwang ng Violeta Integrated School ang
Buwan ng Wika sa Violeta Open Court. Nagkaroon ito ng panimulang palatuntunan.

ipagdiwang ang araw ng ating pambansang wine, ipaakiua nua ng mga mag-aarui
ang kanilang suporta at pagmamahal sa wika. Kabilang din sa mga dumalo ang mga
mag-aaral mula sekundarya, elementarya at kindergarten na bibong-bibo sa
pagpapakita ng paggalang sa wika. Sinimulan ang programa sa panalangin at pag-
awit ng pambansang awit.

Pinangunahan nina Bb. Clarrisa V. Sayon, Gng. Janice E. Jimiera at Bb. Ruth
Macaroncio, bilang mga guro ng palatuntunan. Ipinakilala nila ang iba't ibang
makabagong salita na naidagdag sa ating bokabularyo taon-taon sa pamamagitan
ng mga bagong teknolohiya o imbensyon na kasalukuyang naaayon sa ating
panahon.

Ika-5 ng Agosto, nagkaroon ng Poster Making Contest. Ito ay kinabibilangan
ng mga mag-aaral mula ikaapat hanggang ikaanim na baitang sa elementarya,
ikapitong hanggang ikasampung baitang sa sekundarya.

Ika-12 ng Agosto, nagkaroon ng deklamasyon mula ikaapat hanggang ikaanim
na baitang sa elementarya at sa sekundarya naman mula sa ikapito hanggang
ikasampung baitang.

Ika-19 ng Agosto, idinaos ang Manuel L. Quezon Look-A-Like. Dito ipinakita ang
galing sa pagrampe sa entablado at talino ng mga kalahok sa pamamagitan ng
kanilang talumpati.

Ika-26 ng Agosto, nagkaroon ng pangwakas na gawain. Dito ipinakita ng mga
mag-aaral kung paano nila ipaliwanag ang mga larawan sa pamamagitan ng
pagsulat. Nagtapos ang pagdiriwang sa pamamagitan ng pagkorona sa mga Binibini
ng Wika 2019.

Naging makabuluhan ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa taong ito. Hindi
lamang ito sinalihan ng mga mag-aaral at mga guro kundi naging aktibo rin ang mga
magulang. Ang lahat ay nakiisa upang maisakatuparan at maabot ang ganap na
kamalayan na mahalin at pahalagahan ang ating sariling wika, ang Wikang Filipino.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.