PANUTO: Gawan ito ng buod.

mahigit 30 taon na ang nakalilipas simula nang isara, pero nananatili paring matibay ang instruktura ng bataan nuclear power plant matapos tumama ang sandamakmak na kalamidad sa bansa sa nakalipas na tatlong dekada, kabilang ang lindol noong 1990 sa central luzon at ang matinding pag buga ng abo ng Mt. pinatubo nang pumutok ito noong 1991.
nakapuwesto sa baybayin ng bataan peninsula sa bayan ng Morong, hindi pa rin nagagamit at animo'y nalipasan na ng panahon ang noon sana'y kauna- unahang nuclear facility sa asya.
Sa ocular inspection na isinagawa ng mga opisyal ng department of energy at National Power Corp. Kamakalawa, nilibot ng mga mamamahayag ang buong pasilidad nito at pinaliwanag sa kanila kung ano ang nagagawa ng BNPP.
Sa labas ng nasabing planta, makikita na nananatiling buo ang estruktura nito ngunit may bitak sa palatida nito at kinakalawang na ang mga bakal, tubo, at mga tangke na bunsod umano ng pagkalantad dito sa labas. hindi na rin nakakagulat na kinakalawang na ang mga bubong nito na nagbunsod ng malakas na pag tagas ng tubig, dahil malakas ang ulan ng isagawa ang inspeksiyon.
ang pagpasok sa nasabing pasilidad ay mistulang pag silip sa nakalipas, nakakamangha na ang bawat kagamitan na inilagay sa BNPP complex, kabilang ang mga nuclear reactor, noong 1980 ay maayos na na pangalagaan.
sabi ni raynald o punzalan nangangasiwa sa pagsasaayos ng kuryente sa pasilidad at ngayon ay empleyado ng napocor nang matapos ang BNPP, simula nang magsara ang pasilidad ay wala sa kagamitan nito ang nagamit kaya lahat ng ito ay nananatili sa orihinal na kondisyon simula noong 1986, taon na dapat na nagsimula ang operasyon nito.
Gumagana ang BNPP katulad din ng ibang tradisyonal na power plant, kung saan ginagamit ang usok upang paganahin ng mga turbine na magbibigay ng kuryente ang ipinagkaiba lamang nito sa iba ay gumagamit ang BNPP ng uranium bilang heating element, sa halip na uri ng uling.
katulad ng mga planta na pinapagana ng uling, pare-pareho rin ang water cooling system ng mga nuclear power plants na ginagamitan ng tubig dagat. upang maiwasan ang meltdown, na nagresulta sa tatlong milyong insidente sa united States, gumamit ang BNPP ng three-tier cooling system kabilang ang running, backup, at standby system sa halip na ang karaniwang two-tier standard ng running at backup system. "The BNPP was already high-tech when it was constructed in the early 1980s and before it was set to operate, upgrades were made, particularly the cooling system. only the best materials, components and design were used for the facility. safety protocols that were implemented here at par with other nuclear power plants in the world" ani punzalan.
dagdag pa niya, kabilang sa istruktura ang BNPP ang umano'y state-of-the-art seismic design na kung saan ang mga dingding nito ay hindi pantay-pantay upang maiwasan ang pagbbiyak ng mga konkreto nito sakaling lumindol. ​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.