Panuto: Buoin ang pahayag sa pamamagitan ng pagbibigay ng pansariling kaisipang
pananaw, opinyon at saloobin batay sa piling sipi ng akdang "Walang Panginoon". Isulat ang sagot sa sagutang papel.


WALANG PANGINOON
ni Deogracias A. Rosario

1. Nang makita ni Marcos sa kanilang lumang orasan na ang mahabang hintuturo
ay malapit nang sumapit sa ika-12 samantalang nakapako na sa ika-8 ang
maikling daliri, hindi niya malaman kung saan magtutungo. Isinisiksik ang
kanyang ulo kahit saan, saka ang dalawa niyang hintuturo ay ipapasak sa mga
butas ng kanyang tainga.
________________

2. Ayaw niyang marinig ang animas. Ayaw niyang mapakinggan ang malungkot na
palo ng bakal sa malaking kampanang tanso sa kampanaryo ng simbahan sa
kanilang bayan. Gayunman, kahit na saan siyang magsiksik, kahit na saan siya
magtutungo, kahit na anong gawin niyang pagpapasak sa kaniyang tainga ay
lalong nanunuot sa kaniyang pandinig ang malungkot na tinig ng batingaw.
__________________

3. Ang tototo, ang naturang kalabaw ni Marcos ay nakapugal sa hangganan ng
lupang sarili ni Don Teong. Kung takipsilim ay isinusuot na lahat ni Marcos ang
pulinas, gora, switer at saka dala ang latigong katulad ng pamalo ni Don Teong.
Pagdating niya sa pook na kinapupugalan ay saka aasbaran ng palo ang kalabaw
hanggang sa ito'y umungol na ang alingawngaw ay abot hanggang sa kalagitnaan
ng bayan. Kung di niya nakitang halos apoy ang lumalabas sa dalawang mata ng hayop ay hindi pa niya ito titigilan Sa gayon ay matulin na matulin siyang nagtatago upang umuwi na siya sa bayan.
_______________________

4. Ang katawan ni Don Teong ay halos lasug-lasog nang iuwi sa bayan at wasak ang switer sa katawan at saka pulinas Kumilos agad ang kapangyarihan upang gumawa ng kailangang pagsisiyasat subalit ang lahat ng matuwid ay nawalan ng halaga sa hindi kumikilos na ayos ng kalabaw na animo'y wala sa loob ang ginawa niyang napakalaking pagkakasala.
_____________________

5. Tumugtog ang animas Hindi gaya ng dating ayaw niyang marinig Sa halip na idalangin ang kaluluwa ng mga namatay ang naisip niya'y ang matapang na kalabaw. "Mapalad na hayop na walang panginoon," ang kanyang naibulong.
______________________​

Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.