Panuto: Bumuo ng isang timeline na nagpapakita ng petsa at mahalagang pangyayari batay sa mga tala. Suriin mabuti ang bawat petsa, Isulat ang 1- 10 bilang pagkakasunod-sunod ng timeline. 1_____Sa pagpanaw nl Manuel A. Roxas noong Abril 15, 1948, humalili sa kaniya bilang pangulo si Elpidio Quirino. 2______Pinagtibay ang Bell Trade Relations Act noong Oktubre 1945 na kung saan itinadhana nila ang walong taong malayang pakikipagkalakalan ng Pilipinas sa Estados Unidos hanggang 1954. 3.______Naging pangulo ng bansa si Manuel A. Roxas nang maging malaya ang ating bansa sa Estados Unidos noong Hulyo 4, 1946. 4_____Noong Nobyembre 12, 1957, nanalo si Pangulong Carlos P. Garcia bilang pangulo ng bansa. 5.______Sa pamumuno ni Pangulong Marcos, ang ating bansa ay sumali sa mga gawaing internasyonal. Noong 1966, Ipinadala sa digmaan sa Vietnam ang Philippine Civil Act Group (PHILCAG) 6._____ Nanumpa naman si Ferdinand Marcos bilang pangulo noong Disyembre 30, 1965 7._______ Nanumpa sa panunungkulan si Pangulong Ramon Magsaysay bilang pangulo ng Ikatlong Republika sa Luneta noong Disyembre 30, 1953. 8.________Naging pangulo naman ng bansa si Diosdado Macapagal matapos ng halalan noong 1961. Layunin ng kaniyang administrasyon na maitaas ang antas ng pamumuhay ng bansa sa pamamagitan ng pagtaas ng sahod ng mga manggagawa, mababang pabahay, pagpapabuti ng kalagayan ng magsasaka at pagpapaunlad ng kabuhayan ng bansa. 9._____ Ang programa ng Reporma sa lupa ay pinagtibay bilang Batas Republika Blg. 3844 na nilagdaan ng pangulo noong Agosto 8, 1963 10._____Inasikaso ni Pangulong Macapagal ang usapin ukol sa Sabah noong Hunyo 1962. Ang Sabah ay isang pulo sa sinasabing sakop ng Sultan ng Sulu.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.