Panuto: Bumuo ng balita ayon sa larawan na makikita mo sa telebisyon. Isulat sa loob ng kahon ang iyong pagbabalita. (10 puntos) Krayterya sa pagbibigay ng puntos. Nilalaman puntos Kaangkupan puntos Kaayusan 4 puntos Kabuuan 10 puntos
pls po pke sagot need ko po now
Answers & Comments
Answer:
Ang Aking Balita
Sa lungsod ng Maynila, nagdaos ng malawakang peace rally ang mga magtitinda,magsasaka at maralitang taga-Maynila para tutulan ang tangkang pagtaas ng buwis ng pamahalaan. Ayon sa mga nagprotesta hindi makatarungan ang pagtaas ng buwis lalo na sa gitna ng krisis pang-ekonomiya na dinaranas ng bansa. Nanawagan sila sa pamahalaan na imbestigahan muna ang mga ahensya ng gobyerno na pinagmumulan ng korupsyon at pag-aaksaya ng pondo bago taasan ang buwis ng mamamayan. Nagbabala ang mga raliyista na patuloy silang magpoprotesta hangga't hindi tinatalikuran ng administrasyon ang planong pagtaas ng buwis.