Panuto: Batay sa inyong karanasan, sagutin nang maikli ang mga tanong.
1. Bakit dapat tayong mag-aral ng mabuti?
2. Bakit dapat sumunod tayo sa ating mga magulang?
3. Paano natin pahahalagahan ang ating pamilya sa araw-araw?
4. Paano tayo makatutulong sa ating kapwa sa panahong ito?
Ill. Lay
5. Anu-ano ang karanasan mong di malilimutan sa panahon ng pandemya?
please answer this question
Answers & Comments
Answer:
1.Mahalaga ang makapag tapos sa pag-aaral bukod sa magkakaroon tayo ng magandang trabaho,magkakaroon pa tayo ng maraming kaalaman
2.Upang hindi tayo maligaw ng landas sa tatahaking pangarap
3.Sulitin ang araw na kompleto at sama-sama ang buong pamilya
4.Sumunod tayo sa batas dahil tulong na rin yun upang maiwasan ang hawaan ng Covid-19
5.Nagkaroon ng mahabang tang-gutom habang quarantine
Answer:
FCA logo
Search
Feedback
Ang Emosyonal na Panig ng Pag-aalaga (The Emotional Side of Caregiving)
Ni Donna Schempp, LCSW.
Kung kayo man ay naging isang caregiver ng unti-unti o biglaan lang sanhi ng isang krisis, o kung kayo ay kusa na naging caregiver o naitalaga, maraming mga emosyon ang lumilitaw kapag tinanggap ninyo ang trabaho ng pag-aalaga. Ang ilan sa mga damdaming ito ay nangyayari kaagad at ang ilan ay hindi lumilitaw hangga’t matagal na kayong nag-aalaga. Anuman ang situwasyon ninyo, mahalagang tandaan na kayo rin, ay mahalaga. Ang lahat ng inyong nararamdaman, mabuti at masama, tungkol sa pag-aalaga ay hindi lang pinapahintulutan, pero balido at mahalaga.
Maraming damdamin ang lumilitaw kapag kayo ay nag-aalaga sa isang tao araw at gabi. Maraming mga caregiver ang nagsasabing, “Hindi ito mangyayari sa akin. Mahal ko ang aking nanay, tatay, asawa, kapatid na babae, kapatid na lalaki, atbp.” Pero makalipas ang ilang panahon, ang mga “negatibong” emosyon na malamang gusto nating itago o kunwaring hindi nararamdaman ay lumalabas. Ang mga caregiver ay madalas na nagdadalawang-isip na ipahiwatig ang mga negatibong nararamdaman na ito sa takot na sila ay huhusgahan ng iba (o huhusgahan nila ang kanilang sarili) o hindi nais na maging pabigat sa iba sa kanilang mga problema.
Kung hindi ninyo pakitunguhan ang LAHAT ng inyong mga emosyon, ito ay tila naging isang 2-taong gulang na batang tatawagin ang inyong pansin.: patuloy silang magpapapansin hangga’t huminto kayo at pansinin sila. Ang hindi pagbigay-pansin sa inyong mga nararamdaman ay maaaring magresulta sa hindi magandang pagtulog, hirap na makaraos, sobrang pag-kain dahil sa pagkabalisa, pag-abuso sa inom/droga, atbp. Kapag inamin ang inyong nararamdaman, maaari kayong makahanap ng mga makabuluhang paraan para maipahiwatig ang mga ito at harapin ang mga ito, upang ikaw at ang taong inaalagaan ay mas madaling makaraos sa hinaharap.
Kikilalanin ng fact sheet na ito ang ilan sa mga pinakakaraniwang at madalas na mahirap aminin na mga damdamin na nararanasan ng mga caregiver. Sa panahong ito’y nakikilala, mayroong mga mungkahing inihahandog kung papaano gawing mas mabuti ang inyong kakayahan.
Kung tayo lamang ay perpekto ay hindi tayo nakakaramdam ng. . .
Kawalan ng Katiyakan ng Damdamin
Ito ay ang damdamin ng parehong gustong gawin ang mga ginagawa at hindi rin gusto ang ginagawa. Sa hindi magagandang araw, madalas na may damdamin na sana na hindi kailangan na nandoon kayo, na ang paghihirap ay malapit nang matapos. Sa magagandang araw, ang pag-aalaga sa isang tao ay maaaring isang regalo sa inyong dalawa.
Paano Makaraos: Pahintulutan ang inyong sarili na maramdaman ang parehong uri ng damdamin na nabanggit. Lahat naman ay may ganitong pakiramdam minsan. Alinman sa masamang damdamin o maganda ay hindi nagtatagal.
Galit
Gaano kadalas kayo “biglaang nagalit” habang nag-aalaga? O naramdaman na tila malapit na kayo sa sukdulan? Ang galit at pagkakayamot ay isang normal na parte lamang kapag kasama palagi ang isang taong nangangailangan tuloy-tuloy na tulong at iyong maaaring hindi rin tatanggapin ang tulong. Ang pag-aalaga sa isang tao, lalo na iyong may dementia, ay maaaring mas mahirap, dahil ang inaalagaang tao ay maaaring hindi makatuwiran at lumalaban. Hindi parating posible na magkaroon ng kumpletong kontrol sa inyong mga damdamin. Ang galit ay “basta na lang lumalabas” minsan.
Paano Makaraos: Patawarin ang inyong sarili. Humanap ng mga nakakatulong na paraan para maipahiwatig ang nararamdaman ninyo, matutong lumayo at bigyan ang sarili ninyo ng “time out.” Kilalanin ang mga taong nakakapagbigay ng suporta na makikinig sa inyo kapag gusto ninyong ilabas ang nasasa looban ninyo na nangyari ng araw na iyon.
Pagkabalisa
Ang pakiramdam na ang mga bagay ay hindi mapigilan at hindi nalalaman kung paano ito ibalik sa kontrol ay madalas na nagdudulot ng mga damdamin ng pagkabalisa. Ang pagkabalisa ay lumabalas bilang mabilis na pag-init ng ulo, udyok na tumakas palayo, hindi makatulog, mabilis na pagtibok ng puso, at ang kagustuhang umiyak.
Paano Makaraos: Pansinin ang inyong pagkabalisa—ito ang maagang babala ng inyong katawan na may hindi tamang nangyayari. Kapag kayo’y nababalisa: Huminto. Huminga Patuloy na huminga. Magdasal. Mag-meditate. Gumawa ng tsaa. Anumang bagay na makapagpapahinga sa inyo mula sa mga kaganapan sa saglit na iyon.