Questions


October 2022 1 9 Report
Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na talata at tukuyin ang
pangunahin at pantulong na kaisipan. Bilugan lamang ang pangunahing
kaisipan at guhitan naman ang mga pantulong na kaisipan.

1. Ang mga Pilipino ay mapamahiin. Naniniwala sila na ang pagkahulog ng kutsara o tinidor ay
nangangahulugan ng pagdating ng panauhin. Hindi dapat tumuloy sa anumang lakad kung
nakasalubong na itim na pusa dahil ito'y hudyat ng kapahamakan. Mawawala ang suwerte
kapag nagwalis sa bahay tuwing gabi. Ang pagkabasag ng salamin ay magdudulot ng pitong
kamalasan

2. Ang edukasyon ay mahalagang instrumento para magtagumpay ang isang tao. Ito ay
nagpapalaya sa tao sa kamangmangan. Nagkakaroon siya ng sapat na tiwala sa sarili na
nakatutulong sa pagharap sa iba't ibang sitwasyon sa buhay. Nagagawa niyang paunlarin ang
sariling kakayahan. Nagkakaroon siya ng ganap na kamalayan sa kaniyang kapaligiran.
Natututong lumikha ang tao ng mga bagay na makabubuti sa kaniya, sa bansa at sa mundo.

3. Iminungkahi ni Gregorio del Pilar kay Emilio Aguinaldo na siya at ang animnapung tauhan
niya'y magbantay sa Pasong Tirad upang sila ang humarap sa mga tumutugis na sundalong
Amerikano. Layunin nitong mapabagal ang mga Amerikano at makalayo ang pangkat nina
Aguinaldo mula sa mga kaaway. Labag man sa kalooban dahil sa panghihinayang sa batang
heneral na naging matapat sa kanya ay pumayag si Aguinaldo.

4. Kadalasan, ang mga pinakamahalagang bagay na dapat nating malaman ay ang mga bagay
na hindi nakikita ng ating mga mata. Ilang taon na ang nakararaan nang maipasa ang Republic
Act 9003 o ang Solid Waste Management Act. Ang batas na itoay naglalayong tugunin ang isa
sa mga mabahong suliranin ng ating bansa - ang tamang pamamahala ng ating basura.
Marami ang ipinagbabawal ng batas na ito. Ilan dito ay mga Gawain na kinagisnan o kaya ay
kinasanayan ng maraming Pilipino, tulad halimbawa ng pagsusunog ng babsura sa kalsada,
bukas na lugar at harapan o likuran ng bahay.

5. Hindi maikakaila na marami pa irn sa mga Pilipino ang nagnanais pumuti ang balat at
tumangos ang ilong. Nagsisikap na mapabuti ang pagsasalita sa wikang Ingles dahil gustong
matawag na sosyal. Ipinagpaparangalan sa mga kaibigan ang damit at sapatos na imported.
Tunbay na suliraning panlipunan pa rin ang pagkakaroon ng diwang-alipin ng mga Pilipino.
Nagpapatuloy pa rin ang pag-idolo sa mga kanluraning kultura tulad ng awitin, sayaw, pagkain
at pananaw. Maging ang iba pang sistemang umiiral sa bansa ay mula sa mga dayuhan.


Plss pasagot naman po nito​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.