Questions


August 2022 2 2 Report
Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap sa ibaba. Isulat sa sagutang
papel ang titik ng tamang sagot.
1. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng magagalang na pananalita?
A. Hindi ko po gustong gawin iyon.
B. Bakit mo ginalaw ang mga gamit ko?
C. Labis-labis ang ginawa niyang pagsisinungaling
D. Sinubukan niyang angkinin ang mga bagay na hindi sa kanya.
2. Bakit dapat tayong maging magalang?
A. Para kamuhian
B. Magpabilib sa mga kakilala
C. Upang magkaroon ngkaibigan
D. Pinagpala ng Panginoon ang batang magalang
3. Maaari nating masolusyonan ang problema sa kalusugan kung tayo ay
magkakaisa at sumusunod sa batas. Ang pangungusap na ito ay isang ________.
A. ideya B. katotohanan C. pangarap D. solusyon
4. “Mahal po naming Kapitana, mayroon po kaming ipaabot sa inyo tungkol sa
pagbaha ng aming lugar.” Ang pahayag na ito ay nagpapakita ng pagsasabi ng
_______.
A. hinaing B. pag-aalintana C. pag-akusa D. suhestiyon
5. Hindi inamin ni Albert ang tunay na nararamdaman. Ang pahayag na ito ay
isang _______.
A. pag-akusa B. pagkasuklam C. pagmamahal D. pagtanto
6. Ang mga di-kanais-nais na pananalita ay dapat nating _______.
A. ibunyag B. ikalat C. ipagsabi D. isarili
Karagdagang Gawain
Mula sa nabasang kwento, ano ang dapat gawin kung hindi sumasangayon ang anak sa kanyang ama?
7. Ang salitang ito ay nangangahulugang reklamo o hinanakit ukol sa isang bagay,
tao o pangyayari.
A. alinlangan B. suhestiyon C. hinaing D. pagtanto
8. Alin sa sumusunod ang HINDI nagpapakita ng magagalang na pananalita?
A. Itapon mo ang mga basura.
B. Sanay sila sa simpleng pamumuhay.
C. Pwede po bang itapon ang mga basura?
D. Hayaang mong ang mga awtoridad ang maghusga.
9. Tumutukoy ito sa mga pangyayaring nagaganap ngayon na halos ay pinaguusapan ng lahat o napapansin ng nakararami.
A. bahala B. isyu C. multa D. panindigan
10. Sa pagsasabi ng hinaing o reklamo sa kinauukulan, dapat tayo ay maging
_____.
A. asintado B. kabahan C. kampanti D. magalang

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.