Panuto: Basahing mabuti ang mga pahayag. Isulat ang panandang ginamit sa bawat pangungusap. Pagkatapos, isulat kung ang pahayag ay Opinyon o Katotohanan. Isulat ang sagot sa sagutang papel. Halimbawa: Naniniwala ako - Opinyon 1. Naniniwala ako na tama lahat ng aking kasagutan. 1. Ang madalas na paghuhugas ng kamay ay isa sa mabisang paraan upang malabanan ang COVID-19, ayon sa DOH. 2. Para sa akin, mahirap ang online class kaysa sa modular learning. 3. Palagay ni Lolo, mabuti para sa akin ang maging isang doktor balang araw. 4. Ipinahayag ni Social Welfare Sec. Rolando Bautista na patuloy ang pamimigay ng kagawaran ng tulong sa mga lugar na lubhang apektado ng mga nagdaang bagyo. 5. Ayon sa opisyal na datos ng bilang ng mga OFW na nagtatrabaho sa ibang bansa, may 14.9 bahagdan ang bilang ng nagtatrabaho sa United Arab Emirates. 9 | P a h i n a 6. Sa palagay ko, taon-taon ay maraming OFW ang pumupunta sa Japan. 7. Sa pakiwari ko, ay mananalo siya. 8. Sa aking palagay, si Ramon Magsaysay ang pinakamagaling na presidente. 9. Ayon sa World Health Organization (WHO), ang COVID-19 ay nagsimula sa Wuhan, China. 10.Sa aking palagay, matatapos na ang pandemyang ito sa susunod na taon.
Answers & Comments
Verified answer
KATOTOHANAN at OPINYON
PANUTO:
Basahing mabuti ang mga pahayag. Isulat ang panandang ginamit sa bawat pangungusap. Pagkatapos, isulat kung ang pahayag ay Opinyon o Katotohanan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Halimbawa: Naniniwala ako - Opinyon
1. Naniniwala ako na tama lahat ng aking kasagutan.
- ANG KASAGUTAN -
1. Ang madalas na paghuhugas ng kamay ay isa sa mabisang paraan upang malabanan ang COVID-19, ayon sa DOH.
KASAGUTAN: Ayon sa DOH - Katotohanan
2. Para sa akin, mahirap ang online class kaysa sa modular learning.
KASAGUTAN: Para sa akin - Opinyon
3. Palagay ni Lolo, mabuti para sa akin ang maging isang doktor balang araw.
KASAGUTAN: Palagay ni Lolo - Opinyon
4. Ipinahayag ni Social Welfare Sec. Rolando Bautista na patuloy ang pamimigay ng kagawaran ng tulong sa mga lugar na lubhang apektado ng mga nagdaang bagyo.
KASAGUTAN: Ipinahayag ni Social Welfare Sec. Rolando Bautista - Katotohanan
5. Ayon sa opisyal na datos ng bilang ng mga OFW na nagtatrabaho sa ibang bansa, may 14.9 bahagdan ang bilang ng nagtatrabaho sa United Arab Emirates. 9 | Pàhina
KASAGUTAN: Ayon sa opisyal na datos ng bilang ng mga OFW - Katotohanan
6. Sa palagay ko, taon-taon ay maraming OFW ang pumupunta sa Japan.
KASAGUTAN: Sa palagay ko - Opinyon
7. Sa pakiwari ko, ay mananalo siya.
KASAGUTAN: Sa pakiwari ko - Opinyon
8. Sa aking palagay, si Ramon Magsaysay ang pinakamagaling na presidente.
KASAGUTAN: Sa aking palagay - Opinyon
9. Ayon sa World Health Organization (WHO), ang COVID-19 ay nagsimula sa Wuhan, China.
KASAGUTAN: Ayon sa World Health Organization (WHO) - Katotohanan
10. Sa aking palagay, matatapos na ang pandemyang ito sa susunod na taon.
KASAGUTAN: Sa aking palagay - Opinyon
==============================================
- KARAGDAGANG KAALAMAN -
PAANO NATIN MALALAMAN NA ANG ISANG BAGAY AY NAGSASAAD NG KATOTOHANAN?
» May patunay
» Ginagabayan ang paksa/isyu ng masusing pananaliksik
» Nanggaling sa mga eksperto at propesyunal
» Masusing pinag-aralan
» May siyentipiko/makabuluhang paliwanag
» Galing po sa mapagkakatiwalaang source.
KADALASAN NA, PARA IPAKITANG MAKATOTOHANAN ANG ISANG BAGAY, GINAGAMIT ANG MGA SALITANG ITO:
KADALASAN NA, MALALAMAN NATING OPINYON ANG ISANG BAGAY, KAPAG GINAMIT ANG MGA SALITANG ITO:
Sana po ang aking explanasyon at kasagutan ay makatulong sa iyo!
==============================================
#CherishOurAdMods
==============================================