Panuto: Basahing ang hinangong usapan sa anekdota at ipahayag ang
iyong reaksiyon tungkol dito. Isulat ang sagot sa espasyo.

1. Hindi pa nakabangon sa kanyang tulugan si Mang Ibiong ay ginising
na ng isang “tao po.” Nagbalikwas siya upang siyasatin kung sino ang
napakaagang panauhin. Sina Mang Basio at Mang Justo pala ang
maagang inutusan ng Presidente upang ipagbigay-alam kay Mang Ibiong
na maaari na siyang magsimula sa isang pagawaan sa umaga ring iyon.
Namangha si Mang Ibiong. Hindi niya sukat akalaing ganoon kaagap
kung mangako ang Prseidente ng Senado. Masaya siyang nagbihis,
kumaing madali, at nag-umpisa na sa pagpasok
______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

2. “Ako po ay isang mahirap na tao, Ginoong Quezon. Lahat po ng aking
pagsisikap ay aking ginawa upang mahango ko ang aking pamilya sa
pagdaralita. Ako’y lumapit sa pamahalaan. Halos magpalimos po ako
upang makapaghanapbuhay.
Ang lahat po ng aking pagsisikap ay nawalan ng halaga. Palagay ko
po ay walang mangyayari sa aming pamumuhay kung ang
pangkasalukuyang partido ay namamayani,” ang paliwanag ni Mang
Ibiong.
“Ganoon ba? Ikinalulungkot ko ang nangyari sa iyo. Ngunit
sisikapin kong ikaw ay matulungan. Hintayin mo ang aking sulat kung
ikaw ay mabibigyan ng hanapbuhay.”
____________________________________________________________________________________________________________________________________

3. “Tuloy, Ibiong, Tuloy,” ang salubong ng isang matunog na tinig.
Namula si Mang Ibiong sa sarap ng salubong sa kanya. Doon niya
naalalang siya’y isang napakaliit n atao upang salubungin nang gayon na
lamang. Isa pa ay nalaman niyang siya’y nagkasala. Ngunit naroon na
siya, ano pa ang kanyang magagawa?
“Ipaghanda ninyo ng malamig na inumin si Ibiong,” utos ni
Presidente Quezon.
________________________________________________________________________________________________________________________________

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.