Panuto: Basahin o kantahin mo ang nasa ibaba. Pagkatapos suriin o
intindihin ang mensahe nito at sagutin ang mga katanungan sa ibaba.
Anak
Freddie Aguilar
No'ng isilang ka sa mundong ito
Laking tuwa ng magulang mo
At ang kamay nila ang 'yong ilaw
At ang nanay at tatay mo'y
'Di malaman ang gagawin
Minamasdan pati pagtulog mo
At sa gabi'y napupuyat ang iyong nanay
Sa pagtimpla ng gatas mo
At sa umaga nama'y kalong ka
Ng iyong amang tuwang-tuwa sa iyo
Ngayon nga ay malaki ka na
Ang nais mo'y maging malaya
'Di man sila payag
Walang magagawa
Ikaw nga ay biglang nagbago
Naging matigas ang iyong ulo
At ang payo nila'y sinuway mo
'Di mo man lang inisip na
Ang kanilang ginagawa'y para sa iyo
'Pagkat ang nais mo'y masunod ang layaw mo
'Di mo sila pinapansin
Nagdaan pa ang mga araw
At ang landas mo'y naligaw
Ikaw ay nalulong sa masamang bisyo
At ang una mong nilapitan
Ang iyong inang lumuluha
At ang tanong, "anak, ba't ka nagkaganyan?"
At ang iyong mga mata'y biglang lumuha
Nang 'di mo napapansin
Pagsisisi ang sa isip mo't
Nalaman mong ika'y nagkamali
Pagsisisi ang sa isip mo't
Nalaman mong ika'y nagkamali
Pagsisisi ang sa isip mo't
Nalaman mong ika'y nagkamali
Sagutin mo.
1. Ano-ano ang paglabag sa paggalang at pagsunod ang nababasa mo sa
kanta? Bakit kaya nangyari ang mga ito? Ipaliwanag.
___________________________________________________________________________
______________________________________________________________________
2. Ano ang naging resulta ng mga paglabag na ginawa ng anak?Ipaliwanag.
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
3. Sa iyong palagay, ano ang magandang mensahe ang ipinahihiwatig sa
kanta sa iyo bilang kabataan at bilang anak?
____________________________________
Answers & Comments
Answer:
1.pagsuway sa payo ng magulang ,maaring dahil ito sa impluwensya ng maling barkada na dadalhin kalang sa kapahamakan.
2.nalulong sa masamang bisyo
3.para sakin ang mensahe o aral ng kanta ay maging masunurin sa magulang dahil wala silang ibang hangad kundi mapabuti ka sila yung tao na di ka ipapahamak .