Panuto: Basahin nang tahimik at unawain ang mga pangyayari sa ibaba. Pagsunud-sunurin ang mga ito at lagyan ng kaukulang bilang ang pagkakalahad ng mga pangyayari sa talambuhay na nabasa. _____ a. Walumpu’t tatlong taong gulang si Tandang Sora nang sumiklab ang himagsikan. _____ b. Naging tagapakinig ang matanda sa mga hinaing at galit ng mga makabayang Pilipino na nagnanais na maghimagsik laban sa mga Kastila. _____ c. Tahimik siyang nabubuhay sa piling ng kanyang mga anak na nagsasaka ng kanilang maliit na lupain sa Banilad. _____ d. Sa dilim ng gabi ay hinahatdan ng matanda ng pagkain ang mga nagtatagong Katipunero sa liblib na bahagi ng kanilang bakuran. _____ e. Ginagamot at inaalagaan niya ang mga Katipunerong nagpupunta sa kanilang tahanan. _____ f. Laging may handang mainit na sabaw at pagkain si Tandang Sora anumang oras dumating ang mga nagugutom, pagod at sugatang kawal. _____ g. Sa gulang na 107 namatay ang Ina ng Katipunan, hindi pa natatagalan mula nang siya’y bumalik sa Pilipinas. _____ h. Natiktikan ng mga Kastila ang lihim na pagtulong ni Tandang Sora sa mga naghihimagsik na Pilipino. _____ i. Lahat ng Pilipinong bilanggo sa Guam ay pinalaya at pinabalik sa Pilipinas. _____ j. Hinuli si Tandang Sora at ipinatapon sa Guam.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.