Panuto: Basahin mo ang mga pangyayari at isulat mo ang sagot sa sagutang papel ang mga hinuha sa bawat pangyayari. Pangyayari 1. patuloy na pagtatapon ng basura sa ilog 2. paglanghap ng makapal at maitim na usok ng mga sasakyan 3. pagputol ng puno sa kagubatan 4. pagbabara ng mga estero 5. pagbuga ng usok ng mga pabrika 6. paggamit ng dinamita sa pangingisda 7. pagtapon ng mga kemikal sa ilog at dagat 8. paninigarilyo sa mataong lugar 9. pagmimina sa mga bundok 10.pagkakaingin sa mga kabundukan Hinuha
Answers & Comments
Answer:
1. sanhi ng baha
2. maaaring magdulot ng sakit sa mga tao
3. pagbaha at kawalan ng tirahan ng mga hayop
4. pagdami ng mga nagkakasakit
5. masama sa pananim at kalusugan ng mga tao
6. pagkasira ng mga tirahan ng isda o corals
7. pagkamatay ng mga isda
8. nakapagdudulot ng "second hand smoke"
9. pagkakaroon ng "land slide"
10. pagkamatay ng mga tanim at hayop sa kabundukan