Panuto: Basahin at unawing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng tamang
sagot. Isulat ito sa kuwaderno.
1. Bakit nilikhang hindi pare-pareho ang lahat ng tao sa mundo?
A. Matututo tayo ng pagpapakumbaba at pagpapaubaya.
B. Mabibigyan pa ng pagkakataon ang tao na maunawaan ang halaga ng
talento at kakayahan na biyaya ng Diyos sa ilang tao.
C. Makikilala natin ang pagkakaiba sa antas ng lipunan upang maturuan tayong
magsikap at magpunyagi para sa pag-unlad ng ating pagkatao.
D. Mauunawaan ng tao na kailangan niya ang kaniyang kapuwa dahil sa kanila
natin matatar ggap ang ating mga pangangailangang materyal at espiritwal.
2. Saan nagkakapantay-pantay ang mga tao?
A. Sa paningin ng Diyos at ng lipunan
B. Sa pagmamahal ng kani-kanilang pamilya
C. Sa kanilang dignidad bilang tao at ang karapatan na dumadaloy mula rito
D. Sa pagdating ng huling yugto ng kaniyang buhay sa daigdig
B.
3. Alin sa sumusunod ang hindi pananagutan ng tao batay sa kaniyang dignidad?
A. Igalang ang sariling buhay at buhay ng kapuwa.
Isaalang-alang ang kapakanan ng kapuwa bago kumilos.
C. Maging pantay sa pakikitungo sa lahat ng tao sa lahat ng pagkakataon
D. Pakitunguhan ang kapuwa ayon sa iyong nais na gawin nilang pakikitungo sa
iyo.
4. Paano maipakikita ang pagkilala at pagpapahalaga sa dignidad ng isang tao?
A. Pahalagahan ang tao bilang tao hangga't siya ay nabubuhay.
B. Ibigay ang bahagi ng sarili sa kapuwa kahit hindi pa ito kakilala,
C. Maging tapat sa lahat ng ginagawa para sa kapuwa at sa pakikitungo sa mga
ito.
D. Maglaan ng panahon upang iparamdam sa malapit na kapuwa ang
pagmamahal at pagpapahalaga.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.