Questions


October 2022 1 0 Report
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang teksto. Ibuod gamit ang pangunahin at
pantulong na kaisipan. Gawing gabay ang rubrik sa iyong pagbubuod. Isulat ito sa
iyong sagutang papel.

Yaman ng Zambaleño!
ni Camille A. Barnachea
Lipay National High School

Sa Gitnang Luzon matatagpuan ang
probinsya ng Zambales na isa sa mga
madalas na dinarayo ng mga turista dahil sa
taglay nitong mga likas na yaman at
kamangha-manghang mga tanawin. Isa na
rito ang naggagandahang mga dagat na
talaga namang nakahahalina dahil sa
malinaw at malinis nitong tubig. Una na rito
ang Potipot Island. Matatagpuan ito sa bayan
ng Candelaria. Ang islang ito ay nagtataglay
ng pino at puting buhangin na talaga
namang tunay na kahali-halina.
Sa probinsya ring ito matatagpuan
ang isa sa mga madalas puntahan ng mga
tao, ang Sagrada Familia Cave sa bayan ng
Sta. Cruz. Ang kuwebang ito ay tanyag
sapagkat ito ay may angking kagandahan
dahil sa mga makikinang at kaakit-akit na
mga rock formation sa loob nito.
Samantalang sa bayan ng Palauig
matutunton ang pinakamataas na bundok sa Zambales, ang Mt. Tapulao. Ang
bundok na ito ay madalas na puntahan ng mga tao sapagkat ito ay nagtataglay ng
angking kagandahan at may mababang temperatura.
Bantog din ang iba’t ibang pasyalan sa lalawigan tulad ng Camp Kainomayan
at Mt. Pinatubo sa Botolan. Ang Camp Kainomayan ay isa sa mga lugar na dinarayo
sapagkat maraming mga aktibidad na maaring gawin dito. Sa katunayan, dito
idinaos ang nakaraang 17th National Jamboree ng Boy Scout of the Philippines.
Ang probinsyang ito ay mayaman din sa produktong pang-agrikultural tulad
ng palay, isda at ang ipinagmamalaking matamis na mangga.
Sagana rin ang kabundukan ng Zambales pagdating sa yamang mineral.
Kabilang dito ang chromite at nickel na inaangkat ng ibang bansa. Dahil dito, naging
pangunahing kabuhayan ng karamihan ang pangingisda, pagsasaka at pagmimina.
13 | P a h i n a
Hindi rin mawawala rito ang mga kulturang napagyaman na ng panahon. Ang
pagdiriwang ng mga kapistahan at Santacruzan ay masasalamin din sa lalawigan.
Mga tradisyong hanggang sa ngayon ay makikita sa kani-kaniyang bayan. Mga
ugaling namana mula sa mga ninuno katulad ng pagmamano at paggamit ng po at
opo ay nakasanayan na ng mga Zambaleño. Ang pagiging palakaibigan ng mga tao
dito ay siyang nakaanyaya upang pahalagahan ang malaparaisong lugar na ito.
Ilan lamang iyan sa mga kayamanang taglay ng probinsya ng Zambales.
Marami pang mga bagay ang maaaring matuklasan sa pagbisita rito.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.