Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang tanong sa bawat bilang at piliin ang letra ng tamang sagot. Isulat ang inyong mga sagot sa sagutang papel.

1. Bakit mahalaga ang lambak-ilog sa pag-usbong ng sinaunang sibilisasyon? A. Ang lambak-ilog ang tulay ng transportasyon at kalakalan. B. Ang lambak-ilog ay mainam sa pagtatanim dahil sa matabang lupa. C. Ang lambak-ilog ang naging pinagkukunan ng suplay ng tubig sa komunidad. D. Lahat ng nabanggit.

2. Ano ang ipinapahiwatig nang pagkakaroon ng cuneiform ng mga Sumerian at hieroglyphics ng mga taga Ehipto? A. Ang mga sinaunang tao ay matatalino. B. Ang mga sinaunang tao ay mga manunulat. C. Ang mga sinaunang tao ay mayroon ng sistema ng pagsulat. D. Ang sinaunang kabihasnan ay mayroong sistema ng komunikasyon.

3. Alin sa sumusunod ang kahalagahan ng pag-unlad ng isang pamayanan? A. Napapaunlad ang kalagayan ng mga mamamayan. B. Napapaunlad nito ang ekonomiya sa paggawa at kalakalan. C. Natutugunan ang problema ng kakapusan sa pagkakaroon ng makabagong teknolohiya sa produksiyon. D. Nagkakaroon ng organisadong paninirahan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng pamahalaan at batas, pananampalataya, sistemang edukasyon at iba pa.

4. Alin sumusunod na pangungusap ang naglalarawan sa kapaligiran at nakatulong sa paglinang ng mga sinaunang kabihasnan? A. Nagkaroon ng specialized labor batay sa kakayahan at kasanayan. B. Ang mga Sumer ay gumamit ng luwad o clay-tablets sa kanilang pagsusulat. C. Ang kabihasnang Ehipto ay nakapag-imbento ng teknolohiya para sa pagtukoy ng oras. D. Dahil sa sobra-sobrang produksiyon ng agrikultura napaunlad ang kalakalan o komersiyo.

5. Bakit kinikilala ng mga sinaunang tao ang kanilang pinuno bilang diyos? A. Ang mga pinuno ang nagtatakda ng buwis B. Ang mga pinuno ang may responsibilidad sa kaayusan ng sinasakupan. C. Ang mga pinuno ang batas at dahilan ng pagsikat ng araw, pagbaha at pagtubo ng mga pananim. D. Ang mga pinuno ang namumuno sa pagpapalawak ng teritoryo at pagpapatayo ng pook-sambahan.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.