Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sanaysay. Sagutin ang mga tanong pagkatapos nito. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
Saan mang panig ng mundo ngayon, ang pangunahing suliranin tungkol sa kalusugan ay ang pandemya na dulot ng Coronavirus o mas kilalang COVID- 19. Milyon-milyong tao sa buong mundo ang naging biktima nito. Ano nga ba ang COVID-19 at saan ito nagmula? Ano-ano ang mga sintomas at komplikasyong Ang coronaviruses ay pamilya ng mga virus na nagdudulot ng ibat ibang klaseng sakit. Maaaring ito ay maging karaniwang ubo't sipon lamang o magiging malulubhang impeksyon. Unang naitala ang ilang kaso ng pneumonia sa Wuhan China noong ika- 31 ng Disyembre 2019. Karaniwan, ang virus na ito ay makikita lamang sa mga hayop at hindi pa sa mga tao noon. Marahil dahil sa pagkain ng mga tao ng mga hilaw o hindi sapat na nalutong karne ng hayop kaya naipasa ang virus sa mga tao. Ang pinakakaraniwang sintomas ng COVID-19 ay ubong may kasamang lagnat, panghihina, tuyong ubo at kahirapan sa paghinga. Kasama rin sa iba pang sintomas ang pagbara ng ilong, sakit ng ulo, conjunctivitis, namamagang lalamunan, pagtatae, pagkawala ng panlasa o amoy, pantal sa balat o pagkawala ng kulay ng mga daliri o da liri ng paa. Nakamamatay ang sakit na ito kaya ibayong pag-iingat ang dapat gawin upang ikaw ay hindi mahawa. Mga tanong:
1. Tungkol saan ang binasang sanaysay?
2. Ano ang dahilan ng pandemya?
3. Ano-anong mga katotohanan ang ipinahayag sa binasa?​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.