Questions


October 2022 1 4 Report
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang nilalaman at kaisipang nakapaloob sa akda.


Ang Punong Kawayan

Ni: Francisco“ Soc” Aldan Rodrigo


Sa isang bakuran, may ilang punungkahoy na may kanya-kanyang katangian.

Mabunga ang Santol, mayabong ang Mangga, mabulaklak ang Kabalyero, tuwid at mabunga

ang Niyog. Ngunit sa isang tabi ng bakuran ay naroroon ang payat na Kawayan.

Minsan, nagpaligsahan ang mga punungkahoy.

Tingnan ninyo ako, wika ni Santol. Hitik sa bunga kaya mahal ako ng mga bata.

Daig kita, wika ni Mangga. Mayabong ang aking mga dahon at hitik pa sa bunga kaya

maraming ibon sa aking mga sanga.

Higit akong maganda, wika ni Kabalyero. Bulaklak ko'y marami at pulang-pula. Kahit

malayo, ako ay kitang-kita na.

Ako ang tingnan ninyo. Tuwid ang puno, malapad ang mga dahon at mabunga, wika

ni Niyog. Tekayo, kaawa-awa naman si Kawayan. Payat na at wala pang bulaklak at bunga.

Tingnan ninyo. Wala siyang kakibu-kibo. Lalo na siyang nagmumukhang kaawa-awa.

Nagtawanan ang mga punungkahoy. Pinagtawanan nila ang Punong Kawayan.

Nagalit si Hangin sa narinig na usapan ng mga punungkahoy. Pinalakas niya nang

pinalakas ang kanyang pag-ihip. At isang oras niyang pagkagalit ay nalagas ang mga
bulaklak, nahulog ang mga bunga at nangabuwal ang puno ng mayayabang na punungkahoy.

Tanging ang mababang-loob na si Kawayan ang sumunud-sunod sa ihip ng malakas na

hangin, ang nakatayo at di nasalanta.



Panuto: Sagutin ang sumusunod sa tanong. Isulat ang sagot sa patlang.


1. Anong katangian ng kawayan ang nais mong tularan? Bakit?

________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

2. Paano mo ihahalintulad ang mga pangyayari sa akda sa kasalukuyan? Ipaliwanag.

________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________


PASAGOT PO NG TAMA​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.