Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na mga pahayag. Isulat kung ano ang dapat mong gawin kung ikaw ang nasa sitwasyon. Isulat ang sagot sa patlang.
1. Si Mang Ernie ay nagbigay ng regalo sa kanilang Chairman kaya napabilang siya sa nabigyan ng SAP sa kanilang barangay kahit hindi naman dapat siya dahil hindi siya kwalipikado dito.
2. Pinakiusapan mo ang inyong kapitbahay na kung maaari ay tigilan na ang kantahan dahil dis oras na ng gabi, ngunit hindi sila nakinig sa iyo.
3. Lalabas ka at magpapaload ngunit ito ay oras na ng Curfew sa inyong lugar dahil naka ECQ ito.
Answers & Comments
Answer:
1. Ibabalik ko na lamang ang SAP na ibinigay sa akin at sasabihin ko ang totoo na hindi naman ako kwalipikado, at alam kong, may mga tao pa namang makikinabang sa ibinalik kong SAP.
2. Pakikiusapan ko sila ng maayos at mahinahon na kung maaaring itigil na ang kantahan dahil gabi na. Sasabihin ko rin sa kanila na, may mga kapitbahay ring natutulog na at naaabala pa dahil sa inyong kantahan. Kung hindi naman sila titigil, ay maaari akong humingi ng tulong sa barangay upang itigil na ang kanilang kantahan.
3. Susunod ako sa batas at hindi ko na pipiliting lumabas pa dahil maaari akong hulihin ng barangay o pulis, at iisipin ko na lamang na, maaari naman akong umalis nang maaga para magpa-load.