Questions


October 2022 1 3 Report
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga aytem, isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang kahulugan ng pasasalamat?

A. Pagiging handa sa pagpapamalas ng pagpapahalaga sa taong gumawa ng kabutihang

loob.

B. Anumang senyas o simbolo na ginagamit upang ipahayag ang iniisip at

pinapahalagahan.

C. Paraan upang maisabuhay ang mga pagpapahalaga at birtud.

D. Nagpapatatag ng mga birtud ng katarungan at pagmamahal.

2. Paano magiging bahagi ng birtud ng isang tao ang pasasalamat?

A. Pagmamano C. Palabra de honor

B. Mabuting pagtanggap sa bisita D. Pagtanaw ng utang na loob

3. Ang sumusunod ay mga katangian ng isang tao na marunong magpasalamat, maliban sa:

A. marunong magpahalaga

B. may mahusay na kasanayan sa komunikasyon

C. mapagpakumbaba

D. may positibong pagtingin sa buhay
4. Kung ang pasasalamat ay isang espesyal na birtud dahil nagampanan mo ang iyong moral

na obligasyon, ito naman ang kawalan ng pasasalamat na nakapagpapababa sa pagkatao.

A. gratitude C. ingratitude

B. entitlement mentality D. crab mentality

5. Ang sumusunod ay tumutukoy sa mga antas ng kawalan ng pasasalamat, maliban sa:

A. hindi pagbabalik ng kabutihang loob sa kapwa

B. pagtatago sa kabutihang ginawa ng kapwa

C. marunong magpahalaga

D. hindi pagkilala o pagkalimot sa kabutihang natanggap

6. Isang paniniwala o pag-iisip na anumang inaasam ay karapatan mo na dapat bigyang

pansin na sumasalamin sa kawalan ng pasasalamat.

A. entitlement mentality C. gratitude

B. depth of gratitude D. ingratitude

7. Kapag likas na mapagpasalamat ang tao, ano ang nadaragdag sa kalusugan niya na

panlaban sa sakit?

A. antibodies C. antidote

B. antioxidant D. anti-stress

8. Ang birtud ng pasasalamat ay gawain ng:

A. kalooban C. damdamin

B. isip D. konsensiya

9. Ang sumusunod ay mga nagagawa ng pagiging mapagpasalamat, maliban sa:

A. nakadaragdag ng likas na antibodies

B. nakatutulong upang makaiwas sa depresyon

C. nakababawas ng timbang

D. nakatutulong sa pagkakaroon ng malusog na presyon

10. Isang pamamaraan ng pasasalamat na kung saan nagagawa ang isang simpleng gawain na

ikatutuwa ng ibang tao.

A. pagbibigay ng liham C. pagbibigay ng regalo

B. paggawa ng kabutihang loob D. lahat ng nabanggit​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.