PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang kuwento.
Kaligtasan ng mga Nangangailangan
Ang pagtulong sa kapuwa ay naging ugali na ni Jacinta. Bawat pulubing
lumalapit sa kaniya’y nililimusan niya. Madalas, iniimbitahan niya ang mga batang
mahihirap na makipaglaro sa kaniya.
Si Jacinta ay madasalin. Tuwing araw ng Linggo, siya ay nagsisimba.
Pagkatapos, namimigay siya ng mga laruan, damit, at pera sa hanay ng mga pulubi.
Napamahal si Jacinta sa kaniyang mga kababayan.
Nakaugalian na ng mga taong dalawin si Jacinta kung araw ng Pasko. Kakatok
sila sa pintuan ng kaniyang tahanan at sila’y masayang patutuluyin at hahainan ng
sari-saring pagkain.
Isang araw ng Pasko, sa kanilang pagtataka, walang sumasagot sa kanilang
pagkatok. Umakyat ang mga tao sa kabahayan at laking gulat nila nang makitang
nakahandusay sa sahig at wala nang buhay si Jacinta. Nalungkot at nag-iyakan ang
mga tao sa sinapit ng kanilang idolong si Jacinta.
Mga Tanong
1. Tungkol saan ang binasang kuwento?
____________________________________________________________________________
2. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?
____________________________________________________________________________
3. Saan naganap ang kuwento?
____________________________________________________________________________
4. Ano ang naging suliranin ng mga tauhan sa kuwento?
____________________________________________________________________________
5. Anong solusyon ang maaaring maibigay mo sa mga pulubi?
____________________________________________________________________________.
pls po pa sagot po ng maayos wag po kung anoano po
Answers & Comments
Answer:
1. Para sa kaligtasan ng nangangailangan.
2. Si Jacinta at mga pulubi
3. Sa kalye
4. Pamimigay at pagmamahal
5. Kung ako ay magkapera, bibigyan ko ang mga pulubi ng pagkain upang sila ay mabusog.
Advance:
ARE YOU GRADE 5
✨I Hope is help ✨
✨#CarryOnLearning✨