Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang kuwento. Isulat ang buod ng kuwento sa iyong sagutang papel. Gamitin ang rubrik sa iyong pagbubuod.

Si Pinunong Tubo
ni Jenilyn P. Balangon, Panan NHS

May isang malupit at sakim na pinuno na naninirahan sa isang nayon sa Botolan. Siya ay kilala bilang si Pinunong Tubo, hango ang kaniyang ngalan sa kaugalian niyang tubuan ang lahat ng kaniyang mga kanayon. Si Pinunong Tubo lamang ang may kakayahan sa kanilang lahat kaya ginamit niya ito bilang pagkakataon upang mapagmalupitan ang mga taga nayon.

Marami na rin siyang hindi malilimutang kalupitan na ginawa sa mga tao sa nayon. Isa rito ang pamilya ni Atong na isang masipag na utusan ni Pinunong Tubo. Hindi lamang agad nagawa ni Atong ang utos ng pinuno ay ipinahul ito at pinagmalupitan. Imbis na may makuha pa sanang upa, ay pinagbayad pa ito ng doble. Hindi lang si Atong ang nakaranas ng kalupitan ni Pinunong Tubo, kahit ibang taga nayon ay nakaranas sa kaniyang kalupitan at kasakiman.

Isang araw, nagkasundo ang mga tao sa nayon na magkaisa sa pagpapatalsik kay Pinunong Tubo. Umabot ang balita sa kaniya at sobra siyang nagalit sa lahat ng mga taga nayon. Ipinahanda niya sa kaniyang mga hukbo para utusang ipasunog ang buong nayon. Sumugod siya kasama ang kaniyang hukbo sa nayon, sa tindi ng galit ni Pinunong Tubo biglang nagdilim ang buong paligid at lumindol ng napakalas. Nagkagulo ang lahat sa nangyayari. Hindi nagtagal ay unti-unting tumigil ang lindol at may lumitaw na isang bulkan.

Matapos ang trahedyang iyon hindi na nila muli pang nakita si Pinunong Tubo. Naisip ng marami na isinumpa siya ng Bathala at naging isang bulkan dahil sa kaniyang kalupitan sa mga taga nayon. Mula noon tinawag nilang Pinatubo ang bulkang iyon. At namuhay na ng tahimik ang buong nayon.


Nonsense answer report



Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.