Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang balita. Isulat ang iyong opinyon at
reaksyon sa ibaba. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
Edukasyon sa panahon ng pandemya, isinusulong ng DepEd
Ni: Bernard R. Balbanero
edukasyon sa mga mag-aaral sa kabila ng pandemya. Ilan sa mga ipinatutupad na
Isinusulong ng Kagawaran ng Edukasyon ang mga paraan upang maihatid ang
distance learning modaliti ang sistemang modyular, online, TV at radio-based
instruction, maging ang kombinasyon ng mga ito o blended learning. Nagsimula ang
pagpapatupad ng mga ito noong Oktubre 5, 2020.
Ang sistemang modyular ang karaniwang ipinatutupad ng iba't ibang paaralan
television-based instruction ng Kagawaran, nakagawa na ito ng 1,981 episodes para
sa mga mag-aaral. Layon nitong tulungan ang mga mag-aaral upang mas madaling
matutuhan ang mga aralin sa modyul. Nagsasagawa rin ng online classes ang mga
guro kasama ang mga mag-aaral. Ang pagsasahimpapawid ng mga aralin sa
pamamagitan ng radyo ay isa rin sa ipinatutupad ng Kagawaran.
Ayon sa Kagawaran, mayroon talagang pagsubok sa pagbibigay ng dekalidad
na edukasyon pero tinutugunan ito ng programang Sulong Edukalidad. Kahit sa
panahon ng pandemya, isusulong ng Kagawaran ang pagpapatuloy ng edukasyon.
Opinyon
Reaksyon
13
I’ll make you brainliest answerrrr
Answers & Comments
Answer:
Opinyon:
Ang aking opinyon ukol sa balitang ito ay totoo naman na may magandang dulot ang pagsusulong ng pag-aaral sa pandemyang ito ngunit may masamang dulot ito sa mga bata ngayong ang ilan sa mga kabataan ay gumagamit nga ng gadget araw-araw maaring maapektuhan ang kanilang kalusugan dahil dito. Minsan pa'y natatambakan ang mga estudyante ng mga gawain dahilan para sila'y magpuyat na alam naman nating masama sa katawan.
Reaksyon:
Ako'y nakampante na meron palang ibang paraan para matuto ang mga mag-aaral ngayong pandemyang ito, merong gumagamit ng radio at ng modular na makakatulong talaga kung walang kakayahan ang mga magulang na makabili ng gadget para sa mga anak nila.
Explanation:
Ito po ang aking magiging kasagutan kung yan po'y ibinigay saamin,hindi ko po pinipilit na tama ang aking sagot pero yan ang aking opinyon at reaksyon ukol sa balita sana ay makatulong