Panuto: Basahin at unawain
Isang pangyayari sa Daan
Bigla ang pangyayari. Hindi malaman kung saan nanggaling ang bata. Bigla itong sumibad sa gitna ng daan at bago niya nalaman, nabundol na siya ng isang dyip. Nagdatingan ang maraming tao. Kasama narito ang ina ng bata. Lumuluha itong sumama sa ambulansyang nagdala sa kanyang anak sa ospital. Galit na galit ang mga tao. Gusto nilang bugbugin ang tsuper. Nang kanila nang dadaluhungin ang tsuper, siyang pagdating ng pulis.
“Hinto”, ang sigaw ng pulis. “Hindi kayo ang batas. Bayaan ninyong ang batas ang mag parusa sa kanya.”
“Hindi pa ba sapat ang katibayang ito na nangyari sa bata? “Ang tanong ng nagagalit na isang lalaki.
“Hindi kayo ang makapagpapasiya niyan” ang paliwanag ng pulis. “Tanging ang hukuman lamang ang makapagpapatunay kung may kasalanan siya o wala. Maghintay kayo hanggang mapatunayan ng hukuman ang kanyang pagkakasala.
1. Bakit kaya nasagasaan ang bata?
2.Ano kaya ang nararamdaman ng tsuper?
3. Tama ba sinabi ng Pulis? Bakit?
MAAYOS PO ANG SAGOT PLS LANG
Answers & Comments
Answer:
1.Siya ay sumibad sa gitna Ng daan
2.Siya ay kinabahan Hindi sigurado Ang sagot
3.Opo dahil Ang kanyang sinabi ay tama na hukuman lamang Ang makapagpapasiya kung may kasalanan Ito
Explanation:
hope it's help
stay safe