Panuto: Basahin at unawain ang mga talata sa ibaba. Ibigay ang angkop na pamagat 1. Sa Antipolo, Rizal, ang patron ay ang Mahal na Birhen ng kapayapaan at Mabuting Paglalakbay (Nuestra Señora dela Paz y Buenviaje). Dito, ang pagdiriwang ng piyesta ay sa buong buwan ng Mayo, bukod pa sa ika-8 ng Disyembre. Ito'y dinarayo ng maraming taong nais humiling ng biyaya sa patron ng bayan Pamagat: 2. Sa bayan ng Bocaue sa Bulacan, ipinagdiriwang taon-taon ang kapiyestahan ng patrong San Martin, pati na rin ang higit na masiglang kapiyestahan ng Mahal na Krus. Mayroon ditong Pagoda sa Wawa o prusisyon sa ilog Iniikutan ng maraming taong lulan ng maliliit na Bangka ang Mahal na Krus na nasa napakagarang pagoda. Ito'y ipinuprusisyon sa kahabaan ng llog Bocaue hanggang sa Wawa, kung saan sinasabing nakuha ng mga mangingisda ang Mahal na Krus. Pamagat 3. Sa Pakil, Laguna, ang patrona ay ang Mahal na Birhen de los Dolores. Idinaraos ang Kapiyestahan nito tuwing Oktubre 20 sa pamamagitan ng Turumba. Masayang-masaya ang mga tao sa prusisyon habang nagsasayaw at nagsisiawit nang paulit-ulit ng “Turumba! Turumba!" o "Sa Birhen! Sa Birhen!" na kanilang tugon sa dalit na sinasambit ng namumuno sa dasal. Pamagat:​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.