Questions


October 2022 2 30 Report
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na sitwasyon. Piliin ang titik na
nagpapakita ng husay sa pagpili ng sariwa, mura at masustansyang sangkap.
1. Ang mga sumusunod ay ang mga katangian ng sariwang isda, maliban sa isa.
a. Mapupula ang hasang.
b. Kapit na kapit sa balat ang mga kaliskis.
c. May di-kanais-nais na amoy.
d. Matatag ang laman at bumabalik sa dating anyo kapag pinipisil.
2. Si Ana ay inutusan ng kanyang ina na bumili ng karneng baboy sa palengke.
Aling katangian ng sariwang baboy ang dapat niyang bilhin?
a. Mala-rosas ang kulay ng laman, hindi mapulang-mapula o nangingitim, at
maputi ang taba.
b. May di kanais nais na amoy.
c. Mayroong pasa ang karne.
d. Malambot ngunit di bumabalik sa dating anyo kapag pinipisil.
3. Alin ang kulay ng laman ng sariwang karne ng baboy.
a. dilaw
b. mala-rosas
c. itim
d. berde
4. Alin ay naglalarawan ng kulay ng sariwang gulay at prutas.
a. maitim
b. malabo
c. matingkad
d. wala
5. Alin ang wastong katangian mayroon ang sariwang karne ng manok?
a. Malambot, makinis, at walang pasa- pasa ang balat.
b. Malambot at may di kanais nais na amoy.
c. Matigas ang laman.
d. May maliliit na balahibong nakikita.
6. Alin ang dapat gawin upang walang makalimutang sangkap o mahalagang bagay
kapag namamalengke?
a. Gumawa ng listahan ng mga bibilhin.
b. Hayaan nalang na may makalimutan.
c. Ipakabisado sa kasama ang mga dapat bilhin.
d. Hindi na mamamalengke.
7. Alin ang iyong gagawin upang maiwasan ang siksikan ng mga tao sa pamilihin
habang namimili ng preskong produkto?
13
a. Mamalengke ng gabi.
b. Mamalengke ng maagang-maaga.
c. Hayaan ang kapitbahay ang mamalengke para sa yo.
d. Huwag mamalengke kailan man.
8. Aling bagay ang dapat dalhin kapag mamamalengke kung saan dito ilalagay ang
lahat ng iyong binili upang maiwasan ang pagkahulog nito?
a. payong
b. notebook
c. hand bag
d. basket
9. Inutusan ka ng iyong ina na bumili ng bungang butil, alin sa mga sumusunod
na katangian ang iyong bibilhin?
a. May kulisap na gumagapang.
b. May makikitang butas-butas.
c. Pare-pareho ang laki ng bawat butil.
d. Medyo mamasa-masa kung hawakan.
10. Ang mga sumusunod ay mga dapat tandaan upang ikaw ay makakatipid sa
pamamalengke, MALIBAN sa isa.
a. Bumili ng pagkaing napapanahon.
b. Huwag mahiyang tumawad sa bilihin.
c. Bilhin ng maramihan ang mga pagkaing araw-araw na ginagamit tulad ng
bigas, asin, at iba pa.
d. Bumili ng mga bagay na hindi naman kailangan.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.