Questions


October 2022 1 1 Report

PANUTO: Basahin at unawain ang mga mga pahayag sa bawat bilang. Isulat ang TAMA kung ang pahayag ay tama at HINDI kung ito ay mali.

_____1. Sa pamamagitan ng kilos-loob ang tao ay naaakit sa mabuti at lumalayo sa masama.
_____2. Ang katalinuhan o kaalaman ng tao ay ginagamit upang mapaunlad ang kaniyang pagkatao at makapaglingkod sa kapwa at Diyos.
_____3. Hindi mo sinasadyang masira ang bag ng iyong kapatid ngunit mas pinili mo na huwag na lamang humingi ng paumanhin dahil naalaala mo na nasira rin nito ang isa sa mga paborito mong gamit
_____4. Sobra ang sukli na ibinigay sa iyo ni Mang Nestor, agad mo itong isinauli kahit alam mong kailangan mo ng pandagdag sa iyong proyekto.
_____5. Sa iyong paglalakad, nakasalubong mo ang isang bata na umiiyak dahil sa gutom. Naalaala mong mayroon kang ekstrang tinapay sa iyong bag. Hindi mo ito ibinigay dahil alam mo na ito ay para sa iyo at may magbibigay naman na ibang tao sa kanya.
_____6. Ang kilos-loob ay umaasa sa ibinibigay na impormasyon ng isip.
_____7. Maraming problema sa pamilya mo lalo na ngayong hindi sapat sa budget dahil sa epekto ng pandemya. Nais mong magpabili ng bagong cellphone sapagkat katwiran mo kailangan mo ito para sa online learning.
_____8. Alam na ng kaibigan mo na positive siya sa COVID 19 kung kaya nagpasiya siyang magpunta sa accredited isolation center upang doon muna manatili.
_____9. Inutusan ka ng iyong ina na bumili sa tindahan subalit nakasalubong mo ang iyong kaibigan at inaya kang maglaro ng ML kaya’t itoy agad mong pinagbigyan.
_____10. Mapananatili ang mataas na dignidad ng tao sa pamamagitan ng pagkilos bilang kahanga-hangang indibidwal.
_____11. Malaya ang taong linangin ang kaniyang sarili at paunlarin ito.
_____12. Ang pakikitungo sa kapwa ayon sa kaniyang nais ay tamang paraan ng pagkilala sa dignidad nito bilang tao.
_____13. Ang isang politiko na may labis na katapatan sa kaniyang panunungkulan ay maituturing na tunay na nagpapakita ng paggalang sa dignidad ng kaniyang kapwa.
_____14. May mga mahahalagang bagay o pagpapahalaga ang nais ituro sa atin ng sitwasyon o krisis na nararanasan natin sa ngayon.
_____15. Nararapat nating gawin na maipadama at maipakita ang pagmamalasakit sa mga taong higit na nangangailangan at mga kapus-palad.
_____16. Ang taong malaya ay kapag nagagawa na niya ang lahat ng kaniyang naisin.
_____17. Ang pagpili ng tamang pagpapasiya ay pagsunod sa Likas na Batas Moral na nagdudulot ng kabutihan.
_____18. Ang bunga ng pagsunod sa tamang konsensiya ay upang maabot ng tao ang kanyang kaganapan.
_____19. Ang konsensiya ay kakayahan na kumilala ng mabuti at masama.
_____20. Ang taong malaya ay gumagamit ng isip lamang.

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.