Panuto: Basahin at unawain ang bawat katanungan. Isulat ang letra sa sagutang
papel.
1.Ang edukasyon ay mahalaga sa tao. Ito ang nagbibigay ng kaalaman at magandang kinabukasan sa bawat isa. Ang taong may sapat na edukasyonay magtatamo ng kaginhawaan sa buhay. Hindi siya mamaliitin ng iba at
maipagmamalaki niya ang kaniyang sarili. Ano ang paksa ng talata?
A. Mahalaga ang edukasyon.
B. Nagbibigay kaalaman sa tao.
C. Magtatamo ng magandang kinabukasan.
D. Hindi mamaliitin at ipagmamalaki ng marami.
2. Hindi maikakaila na napakarami ang apektado ng kumakalat na salot sa
ating bansa. Wala itong pinipili. Bata man o matanda kapag nahawaan o
nakasalamuha mo ang may dala ng salot siguradong isa ka sa magiging
positibo sa sakit. Nakakalungkot isipin na ang salot ay patuloy na
kumakalat. Ito ang salot na COVID-19. Aling pangungusap sa talata ang
nagpapakita ng pangunahing ideya?
A. Wala itong pinipili.
B. Ito ang salot na COVID-19.
C. Hindi maikakaila ang pagkalat ng salot.
D. Magiging positibo kapag nahawaan ng sakit.
3. Nahabag ang ina. Sa kaniyang puso, alam niya ang pagnanasa ng
kaniyang anak na makapag-aral. Matagal na niyang napupuna ang inggit
sa mga munting mga mata ng anak sa mga nagsisipasok na mga bata
doon sa kalapit na eskwelahan. Minsan, nakikita niyang nakatanghod ang
anak sa mga ito. Ang lumang abakadang napulot ng ama sa basurahan
ang pinagtitiyagaang basahin. Kabisado na niya ang mga nakasulat doonmula sa puso. Ano ang nais ipahiwatig ng may salungguhit sa teksto?
A. Gustong makapag-aral ng kaniyang anak.
B. Naiinggit ang anak sa mga batang pumapasok sa eskwelahan.
C. Hindi makapag-aral ang anak dahil sa kahirapan ng buhay.
D. Batid ng ina ang kagustuhan ng kaniyang anak na makapasok sa eskwelahan
tulad ng ibang batang nakikita niya.
4. Ano ang nais ipaliwanag ng unang talata?
A. Isulong ang edukasyon para sa kapakanan ng nakararami.
B. Paglabanan ang COVID-19 upang makapag-aral ang mag-aaral.
C. Isulong ng sama-sama ang edukasyon sa kabila ng pandemya.
D. Sama-samang isulong ang edukasyon para sa kapakanan ng kabataan sa kabila
ng hamon ng pandemya.
5. Batay sa teksto sa bilang 4, ano ang pangunahing paksa ng teksto?
A. Sulong-Edukalidad
B. Inihahanda ang sistema ng edukasyon.
C. Haharapin natin ang bagong normal nang may kahabagan.
D. Titiyakin ang kaligtasan ng lahat sa pagusulong ng bagong normal.
6. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa pantulong na detalye sa teksto?
A. Ang ating pagsusumikap at patakaran ay nakaangkla sa paglilingkod sa kapwa
Pilipino.
B. Ang pagtitiyak sa kaligtasan ng mga guro at mag-aaral ay isinasaalang- alang ng
ating polisiya.
C. Haharapin natin ang bagong normal nang may kahabagan, sensibilidad, at pagiging
makabayan.
D. Higit lamang na pagtutuunan ng pansin ng pamahalaan ang kaligtasan ng bawat
isa.
7. Ang adiksyon sa droga ay maraming epekto sa katawan ng tao.
Makararamdam ng panandaliang kaligayahan ang gumagamit nito.
Nagkakaroon din pisikal at sikolohikal na pagbabago sa katawan ng tao.
Laging makakaramdam ng sobrang pananabik na makagamit nito at
hinahanap-hanap ng katawan. Ilan ang pantulong na detalyeng nabanggit sa
talata?
A. 1
B. 2
C. 3
D. 4
8. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapakita ng pangunahing
paksa?
A. Panandaliang kaligayahan.
B. Sobrang pananabik sa droga.
C. Pisikal at sikolohikal na pagbabago.
D. Adiksyon sa droga at ang epekto nito sa katawan ng tao.
9. Kilalang-kilala ang San Vicente Long Beach sa buong bansa. Isa ito sa katangitanging ipinagmamalaki ng mga taga- San Vicente, Palawan. Dito matatagpuan
ang mahigit 14 na kilometrong haba ng puting baybayin. Patok itong pasyalan
ng mga turista mula sa iba’t ibang lugar maging lokal man o dayuhan. Ang may
salungguhit ay maituturing na ____.
A. pangunahing paksa
C. pangunahing pangungusap
B. pantulong na mga detalye
D. pangsuportang pangungusap
10.Ito ay mga mahahalagang kaisipan o mga susing salita na may kaugnayan sa
paksang pangungusap.
A. pangunahing paksa
C. pangunahing pangungusap
B. pantulong na detalye
D. batayang pangungusap
pahelp po dito sa 1-15,
please answer it right, thank you
Answers & Comments
Answer:
1.b
2.a
3.d
4.d
5.a
6.c
7.a
8.b
9.d
10.d
11.P
12.P
13D
14P
15D
Explanation:
hope it helps
Answer:
Study lang
Explanation:
Sana makatulong