Panuto: Basahin at isulat ang letra ng tamang sagot.
1. Ito ay tumutukoy sa paraan ng pamumuhay na pinaunlad at patuloy na
pinauunlad upang makaangkop sa pagbabagong naganap at nagaganap sa
kapaligiran.
A. bihasa B. civitas C. kabihasnan D. sibilisasyon
2. Ang sibilisasyon ay ang masalimuot na pamumuhay sa lungsod, ang salitang ito
ay nagmula sa salitang civitas, ano ang ibig sabihin nito?
A. komunidad B. lungsod C. pamayanan D. rural
3. Alin sa mga sumusunod na pamantayan sa pagtukoy ng kabihasnan ang
naglalarawan sa pagkakaroon ng imbensyon na makapagpapadali sa pagtugon ng
pangangailangan ng populasyon?
A. kultura C. gawaing pang-ekonomiya
B. teknolohiya D. sistema ng pagsulat
4. Ito ang naging daan sa pagtatala ng kasaysayan at araw-araw na pamumuhay
ng tao, ginamit din ito sa pagtatala ng bayad sa buwis, bilihin at batas laban sa
magnanakaw.
A. Sistema ng Lipunan C. Sistema ng Komunikasyon
B. Sistema ng Paggawa D. Sistema ng Pamumuhay
5. Isa sa mga katangian ng sibilisasyon ay ang pagkakaroon ng uri sa lipunan, alin
sa mga sumusunod ang batayan ng mga ito?
A. batay sa talento
B. batay sa paniniwala
C. batay sa dami ng talino at kakayahan
D. batay sa kita at gawaing ginagampanan sa komunidad
6. Bahagi ng kabihasnan ang pagkakaroon ng isang lipunan ng sarili nitong
kultura, alin sa mga sumusunod ang kalakip nito?
A. karunungan, kaugalian, paniniwala at tradisyon
B. kaalaman, kaugalian, kayamanan, estado sa lipunan
C. karunungan, paniniwala, kayamanan at tradisyon
D. kaalaman, kayamanan, paniniwala at estado sa lipunan
7. Alin sa mga sumusunod ang hanapbuhay ang nadagdag sa pamumuhay ng mga
sinaunang tao sa Panahon ng Metal?
A. pangangaso
B. pagpapanday
C. pagpapaamo ng aso
D. pagtatanim
Answers & Comments
Answer:
d sibilisasyon
Explanation:
Ito ay timutukoy sa pamamaraan Ng pamumuhay