Questions


October 2022 1 4 Report
Panuto: Basahin ang usapan ng dalawang magkaibigan sa ibaba. Sagutin ang mga
sumusunod na katanungan sa inyong sagutang papel.

Dumanay : Miko narinig mo na ba ang pinag-uusapang Coronavirus. Alam mo
ba kung ano ito?

Miko
: Oo Dumanay, ayon sa DOH ang Coronavirus ay mga pamilya ng
mga virus na nagdudulot ng sakit mula sa karaniwang sipon
hanggang sa mas malubhang sakit tulad ng MERS at SARS.
Dumanay : Sa tingin ko hindi nakakahawa ang sakit na Coronavirus.

Miko
: Mali Dumanay, ayon sa DOH ang Coronavirus ay maaaring maipasa
ng tao sa tao na kadalasan ay nangyayari ito sa malapitang
pakikisalamuha sa ibang taong mayroon nito, gaya ng sa bahay,
trabaho o health facility. Kaya mas mabuti na hindi tayo lalabas.

Dumanay : Simula ngayon manatili na lang ako sa bahay. Nakakatakot baka
mahawaan pa ako. Ano naman ang mga sintomas na dulot ng
Coronavirus?

Miko
: Ang mga karaniwang sintomas na dulot ng coronavirus ay lagnat,
ubo't sipon, hirap at pag-iksi ng paghinga at iba pang problema
sa daluyan ng hangin. Sa mga malulubhang kaso, maaari itong
maging sanhi ng pneumonia, acute respiratory syndrome at
pagkamatay.

Dumanay : Sa palagay ko kapag malakas ang iyong resistansya sa Kabasan ay
hindi ka mahahawaan ng sakit.

Miko
: Hindi Dumanay walang pinipili ang virus.

Dumanay
: Miko ano ang maaari kong gawin para maprotektahan ang sarili laban
sa Covid 19.

Miko
: Ayon sa DOH, mapoprotektahan ang sarili laban sa COVID 19 sa
pamamagitan ng, una, regular at wastong paghuhugas ng kamay
gamit ang sabon at tubig, pangalawa, pag-iwas sa malapitang
pakikipagsalamuha sa mga may lagnat, ubo't sipon, ikatlo.
pagsisigurong malinis at naluto nang maigi ang pagkain tulad ng karne
at isda, at ikaapat ay paggamit ng face mask at face shield.

Mga katanungan
1. Ano-anong mga pangungusap ang pahayag na katotohanan?
2. Ano-anong mga pangungusap ang pahayag na opinyon?
3. Ano ang tawag sa mga nasalungguhitang parirala?​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.