Panuto: Basahin ang teksto at magbigay ng tatlong (3) maaaring mangyari sa binasa gamit ang dating karanasan o kaalaman. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot. Kaya pala... Magdarapit-hapon na ay hindi pa rin umuuwi si Enan, anak na dalaga nina Aling Dina at Mang Oscar. "O ano Oscar wala pa ba si Enan?" tanong na may pag-aalala ni Aling Dina. "Wala pa rin. Naku! Nagdidilim na ang langit wala pa rin siya", sabat naman ni Mang Oscar na hindi rin mapakali. "Sunduin ko na kaya?", wika nito. "Oo mabuti pa nga", pagsang-ayon naman ni Aling Dina. Sa daan, nakasalubong ni Mang Oscar si Enan. "O anak bakit ka ginabi?", tanong sa anak na umiiyak. At bakit ka umiiyak?" sunod pang tanong nito. "Itay uuwi na sa probinsiya sina Ame at magulang nito, doon na raw sila maninirahan. Nakalulungkot naman po, hindi na kami magkikita ng aking matalik na kaibigan". "Sus! akala ko kung napaano ka na?" sabi ni Mang Oscar. "Parang ayaw ko pong mapalayo sa kaniya kaya di ako nakauwi agad," dagdag pa ng anak. "Ah ganoon ba? Kaya pala...? Ano kaya ang maaaring susunod na mangyari? Sariling Katha: Susan J. Quistadio m 1. 2. 3.​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.