Panuto: Basahin ang talata.
Tuwing Sabado, tumutulong sina Paula at Patrick sa kanilang nanay sa
mga gawaing bahay. Hinuhugasan nila ang mga plato at lahat ng mga
ginamit sa pagkain at pagluluto ng kanilang nanay sa kusina. Sinasalansan
ni Paula ang baso at pitsel. Pinagsama-sama naman ni Patrick ang mga
kutsara at tinidor. Inaayos nila ang mga plato ayon sa laki nito. Pagkatapos
ay inihahanay nila ang mga kaldero at kawali. Sa wakas ay inilalagay nila
ang mga ito sa kani-kanilang lalagyan matapos sabunin at banlawan.
A. Panuto: Ayusin ang mga pangyayari ayon sa binasang talata sa pamamagitan ng paglalagay ng mga pang-ugnay na salita (una, pangalawa, pangatlo, sumunod at panghuli). Isulat sa patlang ang sagot.
_____________1. Inilalagay nila ang mga ito sa kani-kanilang lalagyan matapos
sabunin at banlawan.
_____________2. Tuwing Sabado, tumutulong sina Paula at Patrick sa kanilang
nanay sa mga gawaing bahay.
_____________3. Hinuhugasan nila ang mga plato at lahat ng mga ginamit
nila sa pagkain at pagluluto.
_____________4. Sinasalansan nila ang mga plato ayon sa laki nito.
_____________5. Inihahanay nila ang mga kaldero at kawali.
Answers & Comments
Answer:
1.Panghuli
2.Una
3.Pangalawa
4.Sumunod
5.Pangatlo