Panuto: Basahin ang talata na nasa ibaba. Kakambal ng paggawa ang hirap. Lahat ng tao ay may gawain, maliit, malaki, mabigat,magaan lamang. Alam ng lahat ang hirap at bigat ng arawaraw na paggawa. Mayroon tayong kasabihang “ upang mabuhay ay kailangan nating magbanat ng buto”. Nangangahulugan ito ng paghihirap ng ating katawan. Ngunit ang paghihirap na ito ay para sa kabutihan ng ating pagkatao. Kaya kung tutuusin, hindi talagang paghihirap ang magtrabaho, bagkus ito ay nagpapatingkad ng ating pagkatao. Ang taong tamad ay hindi marunong magbanat ng buto. Wala siyang naibabahaging kagalingan sa kanyang sarili at sa kanyang pamilya o kapwa. Ang kanyang katamaran, kung ganoon, ang nagiging balakid sa pag-unlad ng kanyang pagkatao. Manwal man o intelektwal ang gawain, makakatulong ito sa pag-unlad ng sarili, kapwa at sambayanan.Napapayaman ng tao ang mga kakayahang ibinigay sa kanya ng Diyos. Ang kanyang dignidad ay nasasalamin sa uri ng kanyang gawain at kung paano niya ibinahagi ang kanyang kita. Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong: 1. Ipaliwanag ang isinasaad ng talata tungkol sa paggawa. ________________________________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________________________________ ________________________ 2. Bakit sinasabing ang paghihirap ng ating katawan ay kabutihan ng ating pagkatao? ________________________________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________________________________ ________________________ 3. Ano ang moral na batayan sa paggawa? ________________________________________________________________________________________________ ________________________________________________________________________________________________ ________________________​

Answers & Comments


Add an Answer


Please enter comments
Please enter your name.
Please enter the correct email address.
You must agree before submitting.

Helpful Social

Copyright © 2024 EHUB.TIPS team's - All rights reserved.